Agraryong Pagbabangon
Alam N'y Na Ba
Ano Ito, Oplan Na Naman
Awit ng Kaingero
Dakilang Kagitingan
Diskriminasyon ng Lahi
Diwa ng Teorya Inspirasyon sa Praktika
Diwa ng Teorya Pinanday ng Praktika
Kaateb Bangon
Kababaihan
Magsasaka Magkaisa
Martsa ng Pagbabangon
Pagbabangon sa Camambugan
Palayain ang Sarili
Pormilan
Proletaryong Pagmamahalan
Rebolusyon sa Kultura
Sulo sa Koprasan
Taktikal na Opensiba
dating lumaban sa sagadsaring kaaway
kaisa ang magsasaka, noo'y pinagtibay
wasto at dakila mga ginintuang aral
ng uring inapi, ipagtatagumpay
subalit may yugtong di akalai't sukat
sa pakana ng kaaway tayo'y nahimlay
napasubo sa masang pinagsasamantalahan
di nakilala ang mga uri sa lipunan
humupa ang pakikibaka sa kabila ng may pagbangon
rebolusyong agraryo di na maisulong
tusong asenderong kasabwat ang estado
nilayo'y pandarahas at panloloko
kami ang nagpundar sa lupang kinamkam
ngunit pinagkaitan ng makataong karapatan
kami na ginipit ng asenderong gahaman
ngayo'y babangon, susulong, lalaban
mga maling tunguhin iwinasto
sa gabay ng partido kasama ang hukbo
solidong lakas ay mabubuo
sa pagsulong ng rebolusyon agraryo
kami ang nagpundar sa lupang kinamkam
ngunit pinagkaitan ng makataong karapatan
kami na ginipit ng asenderong gahaman
ngayo'y babangon, susulong, lalaban
usap-usapan:
alam nyo na ba?
ano yon
ang alin
ano daw
dayuhang pagmimina
ha, na naman
o sige, kakantahan namin kayo
awit:
halina, ito'y pakinggan
balitang rumaragasa
army laki ito na kumpanya
sa kaburan mananalasa
tiyak bukas makalawa
mina'y mag-oopereyt na
komunal na kaburan
ganap na babakuran
lupang ipinaglaban
noo'y nakamtan
inagaw ng gahaman
ngayo'y binabalikan
ngunit ang solidong hanay
inaral ang karanasan
iba't ibang pananaw
magkaisa't manindigan
ngayon alam na natin
sa gabay ng partido
harapin ang tungkulin
wakasan ang pang-aalipin
sosyalismo, kamtin
ngayon alam na natin
sa gabay ng partido
harapin ang tungkulin
wakasan ang pang-aalipin
sosyalismo, kamtin
sosyalismo, kamtin
usap-usapan:
ano ito, oplan na naman
PANANAKOT, labag sa karapatan
istratehiya ng imperyalista
oo nga
kasabwat ang estado
wakasan!
awit:
marami nang oplan ang nagdaan
OPDA, LIC, SOT, lambat-bitag
Sandugo, Katatagan, ang opmak
ginawang basahan ang sambayanan
ngayon ang Oplan Balangai
dala'y digmang sikolohikal
tinatakot ang mamamayan
para pahupain ang paglaban
todo-todong operasyong militar
likha'y krimen at karahasan
bagong estratehiya't taktika
ng sabwatang Gloria at imperyalista
Oplan Balangai, Oplan Balangai
solusyon sa problema ng lipunan
kilalanin ang tunay na kaaway
hanggang mabigo ang anumang oplan
sa nagkakaisang lakas ng mamamayan
ituon, malakas na hampas sa mga gahaman
pasistang estado, durugin, wakasan
hanggang mapawi ang karahasan
oplan balangai, oplan balangai
solusyon sa problema ng lipunan
kilalanin ang tunay na kaaway
hanggang mabigo ang anumang oplan
hanggang mabigo ang anumang oplan
hanggang mabigo ang anumang oplan
hanggang mabigo ang anumang oplan
A
1 Kay hirap ng buhay dito sa kaingin
A7 D
Sa maghapo’y pagod sa ating gawain
E A F#m
At maging sa gabi’y di ka patulugin
E A -E
Sa bigat ng ating mga suliranin.
A
2 Masukal na gubat matapos hawanin
A7 D
Malalaking kahoy maihapay natin
E A-F#m
Ang palay at kahoy ating itatanim
E A E
Upang may makain ang pamilya natin.
A
3 Ngunit ano itong gawa ng gobyerno
A7 D
Bawal magkaingin sabi ng montero
E A-F#m
Habang ang konsesyon nitong si Morato
E A-E
Nagpapatuloy sa pagkuha ng troso
A
4 At ang lalong grabe ay ang mangangamkam
A7
Hayop na surbeyor at PCng tulisan
E A-F#m
Matapos mangikil tayo’y babantaan
E A-E
At walang awa pang ipagtatabuyan.
A
5 Kaya’t ang lunas ay ang pagkakaisa
A7 D
Humawak ng baril tayo’y makibaka
E A-F#m
Ipagtanggol natin lupang sinasaka
E A-E
At ang pang-aapi’y ating wakasan na.
A
6 Sa tulong ng Hukbo, gabay ng Partido
A7 D
Pakikibaka ay susulong, lalago
E A-F#m
Pagsasamantala ay maigugupo
E A
At ang tagumpay ay ating matatamo.
Nilikha sa Hangganang Quezon-Bikol noong 1974.
ang inyong nalugmok nang katawan
aming kauri, kasama, sana'y tandaan
kailanma'y di namin kalilimutan
lalo't ang mga aral at karanasang buhay
bakgrawn:
ang inyong tatag ay iniaalay
sa matagal nang nananalatay
dugong martir at bayaning
walang takot na mag-alay ng buhay
(ang kasunod ay hindi gaanong marinig)
salita:
isang araw trahedya sa Kabikulan. pulang paaralan ng ating kilusan, sinakmal ng mga pasista, berdugong gahaman. ang mga pagod na katawan na bahagi sa paglikha ng kasaysayan. lupang lunsaran ng digmang bayan,
ng aral at karanasan sa paghubog ng pananaw at paninindigan, lakas ay naipundar.
mga kasama ihahatid namin kayo sa daluyong ng pagya
ang inyong iniwang ginintuang aral mula sa paglalatag tungong pagpapatatag sa mga sonang gerilya sa kabikulan.
kailanman di namin malilimutan ni bibitiwan ang inyong
dakilang kagitingan
sa pagsusulong ng armadong
habang ang berdugong
sa mga kasalanang mortal.
mga kasama, paalam sa inyo.
Romulo Oliveros, Ka Mario, Gil Lacsamana, Ka Boy
Meno Reyes, Ka Nilo, Kasamang Arnel, Ka Arnel, Benito Belga, Jr, Ka Digoy, at iba pang kasamang martir ng bagong demokratikong rebolusyon.
ihahatid namin kayo sa himlayan ng paglaban at pagbabangon.
umasa kayo na itutuloy namin ang ating magiting na simulain, hanggang ang pagsasamantala'y bumagsak, madurog!
awit:
kaming inyong iniwan at inaasahan
na magpapatuloy sa mga gawain at paglaban
armas na aming hawak lagi nang tatanganan
tulad ng ipinakita ng inyong kabayanihan
kaming inyong iniwan at inaasahan
na magpapatuloy sa mga gawain at paglaban
armas na aming hawak lagi nang tatanganan
tulad ng ipinakita ng inyong kagitingan
palubog na sa kanluran ang araw
ngunit patuloy ko pang tinatanaw
habang sa dalagang puti napapanglaw
dahil magkaiba aming wika't kulay
pauwi na sa mahal na kagubatan
sa sarili'y laging may katanungan
ganito ba buhay ng katribuhan
kailanma'y di kinilala ng lipunan
aking tinanong sa aming dadong
nabatid mga lahi may diskriminasyon
kaya kailangan solidong pagbabangon
rebolusyonaryong kilusan ang solusyon
mula noon hinanap na ang katotohanan
sumapi, napanday sa hukbong bayan
katribo't kauri atin nang paglingkuran
tayo'y maglakbay tungo sa ganap na tagumpay
mula noon hinanap na ang katotohanan
sumapi, napanday sa hukbong bayan
katribo't kauri atin nang paglingkuran
tayo'y maglakbay tungo sa ganap na kalayaan
tungo sa ganap na kalayaan
sa dala mong pag-iisip
lumikha ng mapanuring pagtingin
pag-unawa't kilos namin napanday
nabuo maunlad na kamalayan
sa yaman ng iyong larawan
naiguhit ang karanasan
sa esensya ng iyong aral
pandamang matalas iniluwal
makauring determinasyon
amin nang tinanganan
diwa ng nabuong teorya
inspirasyon sa praktika
makauring determinasyon
amin nang tinanganan
diwa ng nabuong teorya
inspirasyon sa praktika
instrumental
armas ng makabagong kaalaman
ginamit sa ganitong kalagayan
katumpakan ng iyong kaisipan
kailanman di namin bibitiwan
ang pananaw ay maglaho
ang mga uri sa lipunan
sa bayang kolonyal at malakolonyal
ang paglaya ng buong sangkatauhan
makauring determinasyon
amin nang tinanganan
diwa ng nabuong teorya
inspirasyon sa praktika
makauring determinasyon
amin nang tinanganan
diwa ng nabuong teorya
inspirasyon sa praktika
diwa ng teorya, inspirasyon sa praktika
sa pulang paaralan
gabay ang malakamasa
mayaman sa aral at karanasan
ng makauring rebolusyon
kawastuan ng teorya
nilapat sa kongkretong praktika
unibersal na katotohanan
nakristalisa ng pananaw
pundasyon ng Marxismo
mahigpit na panghawakan
laban sa imperyalismo
modernong rebisyunismo
diwa ng teorya pinanday sa praktika
proletaryong internasyunalismo
ng pandaigdigang pakikibaka
diwa ng teorya pinanday sa praktika
proletaryong internasyunalismo
ng pandaigdigang pakikibaka
burges at rebisyunistang pananaw
wawasakin, lulusawin
kaisipang komunista, mangingibabaw
sangkatauhan, ganap na malaya
diwa ng teorya pinanday sa praktika
proletaryong internasyunalismo
ng pandaigdigang pakikibaka
diwa ng teorya pinanday sa praktika
proletaryong internasyunalismo
ng pandaigdigang pakikibaka
ng pandaigdigang pakikibaka
ang kagubatan ay tahanan at kanlungan
pinangalagaan kabuhayan ng katribuhan
likha ang pinag-isang bisig at pananaw
ipinagtanggol ang kolektibong pamumuhay
ngunit tahana'y inangkin ng tiranong gahaman
ipinatupad mapanupil na batas at patakaran
siniil ang karapatan, kulturang ipinunla
diskriminasyon hanggang sa kasalukuyan
kaateb bangon, gapiin ang umaalipin
ritwal ng paglaban, hawakan nang mahigpit
sa tanglaw ng partido, tayo nang magbigkis
labanan ang sabwatang lokal at dayong manlulupig
yaho, yaho, yaho, yaho
mga taghoy at panangis ng pinag-isang tinig
digmang bayan ating itindig, iparinig
ang nag-aalab na pananalig ihahatid
hanggang mawala ang pagsasamantala sa buong daigdig
yaho, yaho, yaho, yaho
kaateb bangon, gapiin ang umaalipin
ritwal ng paglaban, hawakan nang mahigpit
sa tanglaw ng partido, tayo nang magbigkis
labanan ang sabwatan ng lokal at dayong manlulupig
yaho, yaho, yaho, yaho
yaho, yaho, yaho, yaho
kinagisnang kapaligiran
malayang pamumuhay
pantay ang karapatan
sa kolektibong buhay
sa pag-inog ng lipunan
lumitaw ang tunggalian
umiral ang pang-aalipin
tinuring na ginto
patuloy na binusabos
ginawang palamuting ginto
ng neokolonyal na estado
habang sa dibdib nag-aalimpuyo
ngayon na kababaihan
maling pananaw wakasan
manindigan at lumaban
kaisa ang aping mamamayan
tayo nang maglakbay
hanggang ang kadena
ng pang-aalipin lagutin
tungo sa ganap na paglaya
tayo na kababaihan
maling pananaw wakasan
manindigan at lumaban
nagkaisa ang aping mamamayan
tayo nang maglakbay
hanggang ang kadena
ng pang-aalipin lagutin
tungo sa ganap na paglaya
tungo sa ganap na paglaya
asendero sa San Vicente
lawak ng lupa'y di pahuhuli
pinapapatupad sa mga tenante
di makatarungang parte
sigaw:
Alegre
mula sa aming pagkabata
ay nagbungkal na ng lupa
atrasadong kagamitan
ang siyang kasangkapan
sigaw:
kagamitan
sinikap na mapagyaman
pinoblar ang lupang taniman
upang bigyang katugunan
pangangangailangan ng lipunan
sigaw:
magsasaka
ang ginhawang inaasam
hindi nakamtan ng lipunan
pagkat ito'y kinamkam
ng asenderong gahaman
sigaw:
pyudalismo
anakpawis gumising ka
tumindig para lumaban
problema ng sambayanan
ibagsak at wakasan na
chant:
imperyalismo, ibagsak!
pyudalismo, ibagsak!
burukratang kapitalismo, ibagsak!
pagkakaisa ating sandata
lupang inagaw bawiin na
kamtin ang kalayaan at demokrasya
tungo sa perspektibang sosyalista
chant:
sosyalismo
tungo sa perspektibang sosyalista
mataba ang lupang noo'y naghihintay
sa mga bisig na inagawan ng karapatan
mga biktima ng tunggalian sa lipunan
umasang ang gintong yaman mapapakinabangan
ngunit dayuhang korporasyon yumurak
nagkamal, nagtakas sa likas na yaman
kasabwat ang estado at lokal na gahaman
likha'y karumaldumal na karahasan
walang kapagurang patuloy na pinaglaban
mula sa minahan minartsa sa lansangan
umasa sa isang dekadang katahimikan
nagpakilos ng libong mamamayan
hudyat ng pagbabangong di mapigilan
mula sa kagubatan hanggang sa kapatagan
dala ang demanda ng sambayanan
patungo sa mataas na antas ng paglaban
solidong lakas ng mamamayan
ibabaon ang lumang lipunan
pagsasamantala'y wawakasan
hanggang sa ganap na tagumpay
walang kapagurang patuloy na pinaglaban
mula sa minahan minartsa sa lansangan
umasa sa isang dekadang katahimikan
nagpakilos ng libong mamamayan
hudyat ng pagbabangong di mapigilan
mula sa kagubatan hanggang kaptatagan
dala ang demanda ng mamamayan
patungo sa mataas na antas ng paglaban
solidong lakas ng mamamayan
ibabaon ang lumang lipunan
pagsasamantala'y wawakasan
hanggang sa ganap na tagumpay
sa kasaysayan ng Camambugan
lumitaw ang diwang mapanlaban
sa puso't isipan ng mamamayan
isinulat sa dugo ng bayan
sinaklot ng pasistang berdugo
kasabwat ang asendero at estado
lumitaw ang pangil ng imperyalismo
kumitil ng maraming buhay ng tao
sa loob ng 'sang dekadang pandarahas
diwang palaban ng masa'y humupa
habang ang poot sa dibdib ay nagluluksa
hanap ay katarungan at paglaya
ngunit ang masang anakpawis
di makakalimot sa kasalanang mortal
ungol ng nakalugmok na katawan
ihahatid sa daluyong ng paglaban
Camambugan, di ka namin kalilimutan
ang iniwang gintong aral sa bayan
aming patuloy na ipaglalaban
hanggang makamtan ang ganap na tagumpay
Camambugan, di ka namin kalilimutan
ang iniwang gintong aral sa bayan
aming patuloy na ipaglalaban
hanggang makamtan ang ganap na tagumpay
tula
palayain ang sarili
ikatlong kasarian
gapiin ang umaalipin
ikatlong kasarian
biktima ng pagsasamantala at diskriminasyon
di kinilala, kinokondena hanggang sa kasalukuyan
ng estadong burges na ganid at gahaman
palayain ang sarili
gapiin ang umaalipin
pananaw at paninindigan ay baguhin
makiisa sa kapwang inapi
at niyurakan ang karapatan
sa lipunang malakolonyal at malapyudal
tumahak sa landas ng pagbabago
kasama ng mamamayan
nag-aalab ang paglaban
partido ang tanging gabay
sa pagkilala ng kasarian
upang malikha ang makauring pagpapalaya
at ng buong sambayanan
kapit-bisig, lumahok sa pambansang pagbabangon
lagutin ang tanikala ng pambubusabos
tungo sa panlipunang transpormasyon
mangganggawang bukid, tanong na iniwan
sa lupang Pimentel mula sa inampan
walang tigil sa pagkopra kahit pormilan
matugunan lamang ang pangnangailangan
asenderong ganid, likha'y karahasan
hindi man nagpawis pero nakinabang
army at tangke, kanilang kapangyarihan
para supilin ang masang lumalaban
magsasaka'y sumigla
hukbong bayan nariyan na
sa tanglaw ng agraryong reporma
nakamtan 50-50 demanda
ngunit humupa ang pagkakaisa
maling tunguhin ang nagpaantala
at ang magsasaka hinahawakan
ngunit itong lakas ay nabitiwan
bisig mo'y kanilang tinanganan
ng kadre kahit buhay inialay
lakas ng magsasaka ay naipundar
para sa muling pagbangon at paglaban
'wag sayangin ang panahon
masa, partido, hukbo kayo'y tutugon
kumilos para sa pambansang pagbabago
ang layo'y sosyalistang lipunan
minsan tayo'y nagkita
sa piling ng masa
hinatak ng paghangin
sa taglay mong pananaw at paninindigan
iginalang ang karapatan
batay sa prinsipyo't patakaran
na ating tinanganan
sa relasyong umugat sa problema ng lipunan
sa daan nagpanday ng makauring pagmamahal
sa paglusaw ng iba't ibang tunggalian
na pinagbuklod ng tamang pananaw
sa proletaryong pag-iibigan
binuo ang wastong landas ng kapasyahan
upang mapatibay ang ating kaisahan
sa balangkas ng digmang bayan
sa paghawak ng ating sumpaan
masa ay laging paglingkuran
punla'y ilalaan para sa nagpapatuloy na rebolusyon
hanggang sa paglaho ng uri sa lipunan
sa proletaryong pag-iibigan
binuo ang wastong landas ng kapasyahan
upang mapatibay ang ating kaisahan
sa balangkas ng digmang bayan
sa paghawak ng ating sumpaan
masa ay laging paglingkuran
punla'y ilalaan para sa nagpapatuloy na rebolusyon
hanggang sa paglaho ng uri sa lipunan
hanggang sa paglaho ng uri sa lipunan
simula nang tayo'y magkaisip
sa neokolonyal na paligid
mahabang panahon luminlang
ang kulturang burges at pyudal
rebolusyonaryong mga aral
sa ati'y nagmulat nagpanday
niyakap armadong paglaban
partido Komunista ang gabay
sa gawain at tungkuling tinahak
makauring sining at panitikan
patuloy na pinapalaganap
upang lisanin burges na kaisipan
ito'y rebolusyon sa kultura
sa buhay at pakikibaka ng masa
sining ng matagalang digmang bayan
mahigpit nating panghawakan
makauring kultura ating pag-alabin
susing sandata sa paggapi't pagpawi
ng pagsasamantala't pang-aapi
tungo sa paglaho ng uri sa lipunan
ito'y rebolusyon sa kultura
sa buhay at pakikibaka ng masa
sining ng matagalang digmang bayan
mahigpit nating panghawakan
hanggang sa paglaho ng uri sa lipunan
Villafuerteng angkan
na ganid sa kabikulan
panlilinlang at karahasan
hinarap ng mga nagpunla
militanteng paglaban
kanilang tinanganan
sa pamumuno ng partido
kaisa nila ang hukbo
pagkakaisa'y pinan
rebolusyong agraryo
ay kanilang kinatamo
sa despotikong asendero
parusang kamatayan
ginawad ng mamamayan
sa asenderong gahaman
sa lupang kinamkam
ang sulo sa koprasan
mahigpit nating hawakan
wag kalilimutan
mga aral ng tagumpay
patatagin ang ating hanay
sa diwa ng digmang bayan
ating patutunguhan
sosyalistang lipunan
patatagin ang ating hanay
sa diwa ng digmang bayan
ating patutunguhan
sosyalistang lipunan
sa San Lorenzo Ruiz kami'y nagmartsa
kami'y magtatambang sa pasistang kaaway
ang dugong inutang ng pasistang berdugo
para singilin ang inutang na dugo
ambus sa gilid ng burol kami nagpusisyon
ang mga militar tiyak dito'y dadaan
pagputok ng bomba kasabay ang mga riple
abante hudyat ng paglaban
ilang minuto pagpalitan ng putok
napagtagumpayan ng pulang mandirigma
taktikal na opensiba laban sa mga pasista
alang-alang ito sa masa
tangke ng kaaway nagkawasak-wasak
naklining, nasamsam kalibreng masinggan
may 50 at 30 at gamit militar
sa ambus ng BHB sila'y nagulantang
partido, hukbong bayan, alyado at masa
ang tagumpay na 'to sa 'ting pagkakaisa
sosyalistang lipunan ating makakamtan
sa nag-aalab na digmang bayan
sosyalistang lipunan tiyak na makakamtan
sa nag-aalab na digmang bayan
sa nag-aalab na digmang bayan
Alam N'y Na Ba
Ano Ito, Oplan Na Naman
Awit ng Kaingero
Dakilang Kagitingan
Diskriminasyon ng Lahi
Diwa ng Teorya Inspirasyon sa Praktika
Diwa ng Teorya Pinanday ng Praktika
Kaateb Bangon
Kababaihan
Magsasaka Magkaisa
Martsa ng Pagbabangon
Pagbabangon sa Camambugan
Palayain ang Sarili
Pormilan
Proletaryong Pagmamahalan
Rebolusyon sa Kultura
Sulo sa Koprasan
Taktikal na Opensiba
AGRARYONG PAGBABANGON
dating lumaban sa sagadsaring kaaway
kaisa ang magsasaka, noo'y pinagtibay
wasto at dakila mga ginintuang aral
ng uring inapi, ipagtatagumpay
subalit may yugtong di akalai't sukat
sa pakana ng kaaway tayo'y nahimlay
napasubo sa masang pinagsasamantalahan
di nakilala ang mga uri sa lipunan
humupa ang pakikibaka sa kabila ng may pagbangon
rebolusyong agraryo di na maisulong
tusong asenderong kasabwat ang estado
nilayo'y pandarahas at panloloko
kami ang nagpundar sa lupang kinamkam
ngunit pinagkaitan ng makataong karapatan
kami na ginipit ng asenderong gahaman
ngayo'y babangon, susulong, lalaban
mga maling tunguhin iwinasto
sa gabay ng partido kasama ang hukbo
solidong lakas ay mabubuo
sa pagsulong ng rebolusyon agraryo
kami ang nagpundar sa lupang kinamkam
ngunit pinagkaitan ng makataong karapatan
kami na ginipit ng asenderong gahaman
ngayo'y babangon, susulong, lalaban
ALAM NYO NA BA
usap-usapan:
alam nyo na ba?
ano yon
ang alin
ano daw
dayuhang pagmimina
ha, na naman
o sige, kakantahan namin kayo
awit:
halina, ito'y pakinggan
balitang rumaragasa
army laki ito na kumpanya
sa kaburan mananalasa
tiyak bukas makalawa
mina'y mag-oopereyt na
komunal na kaburan
ganap na babakuran
lupang ipinaglaban
noo'y nakamtan
inagaw ng gahaman
ngayo'y binabalikan
ngunit ang solidong hanay
inaral ang karanasan
iba't ibang pananaw
magkaisa't manindigan
ngayon alam na natin
sa gabay ng partido
harapin ang tungkulin
wakasan ang pang-aalipin
sosyalismo, kamtin
ngayon alam na natin
sa gabay ng partido
harapin ang tungkulin
wakasan ang pang-aalipin
sosyalismo, kamtin
sosyalismo, kamtin
ANO ITO OPLAN NA NAMAN
usap-usapan:
ano ito, oplan na naman
PANANAKOT, labag sa karapatan
istratehiya ng imperyalista
oo nga
kasabwat ang estado
wakasan!
awit:
marami nang oplan ang nagdaan
OPDA, LIC, SOT, lambat-bitag
Sandugo, Katatagan, ang opmak
ginawang basahan ang sambayanan
ngayon ang Oplan Balangai
dala'y digmang sikolohikal
tinatakot ang mamamayan
para pahupain ang paglaban
todo-todong operasyong militar
likha'y krimen at karahasan
bagong estratehiya't taktika
ng sabwatang Gloria at imperyalista
Oplan Balangai, Oplan Balangai
solusyon sa problema ng lipunan
kilalanin ang tunay na kaaway
hanggang mabigo ang anumang oplan
sa nagkakaisang lakas ng mamamayan
ituon, malakas na hampas sa mga gahaman
pasistang estado, durugin, wakasan
hanggang mapawi ang karahasan
oplan balangai, oplan balangai
solusyon sa problema ng lipunan
kilalanin ang tunay na kaaway
hanggang mabigo ang anumang oplan
hanggang mabigo ang anumang oplan
hanggang mabigo ang anumang oplan
hanggang mabigo ang anumang oplan
AWIT NG KAINGERO
A
1 Kay hirap ng buhay dito sa kaingin
A7 D
Sa maghapo’y pagod sa ating gawain
E A F#m
At maging sa gabi’y di ka patulugin
E A -E
Sa bigat ng ating mga suliranin.
A
2 Masukal na gubat matapos hawanin
A7 D
Malalaking kahoy maihapay natin
E A-F#m
Ang palay at kahoy ating itatanim
E A E
Upang may makain ang pamilya natin.
A
3 Ngunit ano itong gawa ng gobyerno
A7 D
Bawal magkaingin sabi ng montero
E A-F#m
Habang ang konsesyon nitong si Morato
E A-E
Nagpapatuloy sa pagkuha ng troso
A
4 At ang lalong grabe ay ang mangangamkam
A7
Hayop na surbeyor at PCng tulisan
E A-F#m
Matapos mangikil tayo’y babantaan
E A-E
At walang awa pang ipagtatabuyan.
A
5 Kaya’t ang lunas ay ang pagkakaisa
A7 D
Humawak ng baril tayo’y makibaka
E A-F#m
Ipagtanggol natin lupang sinasaka
E A-E
At ang pang-aapi’y ating wakasan na.
A
6 Sa tulong ng Hukbo, gabay ng Partido
A7 D
Pakikibaka ay susulong, lalago
E A-F#m
Pagsasamantala ay maigugupo
E A
At ang tagumpay ay ating matatamo.
Nilikha sa Hangganang Quezon-Bikol noong 1974.
DAKILANG KAGITINGAN
ang inyong nalugmok nang katawan
aming kauri, kasama, sana'y tandaan
kailanma'y di namin kalilimutan
lalo't ang mga aral at karanasang buhay
bakgrawn:
ang inyong tatag ay iniaalay
sa matagal nang nananalatay
dugong martir at bayaning
walang takot na mag-alay ng buhay
(ang kasunod ay hindi gaanong marinig)
salita:
isang araw trahedya sa Kabikulan. pulang paaralan ng ating kilusan, sinakmal ng mga pasista, berdugong gahaman. ang mga pagod na katawan na bahagi sa paglikha ng kasaysayan. lupang lunsaran ng digmang bayan,
ng aral at karanasan sa paghubog ng pananaw at paninindigan, lakas ay naipundar.
mga kasama ihahatid namin kayo sa daluyong ng pagya
ang inyong iniwang ginintuang aral mula sa paglalatag tungong pagpapatatag sa mga sonang gerilya sa kabikulan.
kailanman di namin malilimutan ni bibitiwan ang inyong
dakilang kagitingan
sa pagsusulong ng armadong
habang ang berdugong
sa mga kasalanang mortal.
mga kasama, paalam sa inyo.
Romulo Oliveros, Ka Mario, Gil Lacsamana, Ka Boy
Meno Reyes, Ka Nilo, Kasamang Arnel, Ka Arnel, Benito Belga, Jr, Ka Digoy, at iba pang kasamang martir ng bagong demokratikong rebolusyon.
ihahatid namin kayo sa himlayan ng paglaban at pagbabangon.
umasa kayo na itutuloy namin ang ating magiting na simulain, hanggang ang pagsasamantala'y bumagsak, madurog!
awit:
kaming inyong iniwan at inaasahan
na magpapatuloy sa mga gawain at paglaban
armas na aming hawak lagi nang tatanganan
tulad ng ipinakita ng inyong kabayanihan
kaming inyong iniwan at inaasahan
na magpapatuloy sa mga gawain at paglaban
armas na aming hawak lagi nang tatanganan
tulad ng ipinakita ng inyong kagitingan
DISKRIMINASYON NG LAHI
palubog na sa kanluran ang araw
ngunit patuloy ko pang tinatanaw
habang sa dalagang puti napapanglaw
dahil magkaiba aming wika't kulay
pauwi na sa mahal na kagubatan
sa sarili'y laging may katanungan
ganito ba buhay ng katribuhan
kailanma'y di kinilala ng lipunan
aking tinanong sa aming dadong
nabatid mga lahi may diskriminasyon
kaya kailangan solidong pagbabangon
rebolusyonaryong kilusan ang solusyon
mula noon hinanap na ang katotohanan
sumapi, napanday sa hukbong bayan
katribo't kauri atin nang paglingkuran
tayo'y maglakbay tungo sa ganap na tagumpay
mula noon hinanap na ang katotohanan
sumapi, napanday sa hukbong bayan
katribo't kauri atin nang paglingkuran
tayo'y maglakbay tungo sa ganap na kalayaan
tungo sa ganap na kalayaan
DIWA NG TEORYA INSPIRASYON NG PRAKTIKA
sa dala mong pag-iisip
lumikha ng mapanuring pagtingin
pag-unawa't kilos namin napanday
nabuo maunlad na kamalayan
sa yaman ng iyong larawan
naiguhit ang karanasan
sa esensya ng iyong aral
pandamang matalas iniluwal
makauring determinasyon
amin nang tinanganan
diwa ng nabuong teorya
inspirasyon sa praktika
makauring determinasyon
amin nang tinanganan
diwa ng nabuong teorya
inspirasyon sa praktika
instrumental
armas ng makabagong kaalaman
ginamit sa ganitong kalagayan
katumpakan ng iyong kaisipan
kailanman di namin bibitiwan
ang pananaw ay maglaho
ang mga uri sa lipunan
sa bayang kolonyal at malakolonyal
ang paglaya ng buong sangkatauhan
makauring determinasyon
amin nang tinanganan
diwa ng nabuong teorya
inspirasyon sa praktika
makauring determinasyon
amin nang tinanganan
diwa ng nabuong teorya
inspirasyon sa praktika
diwa ng teorya, inspirasyon sa praktika
DIWA NG TEORYA PINANDAY NG PRAKTIKA
sa pulang paaralan
gabay ang malakamasa
mayaman sa aral at karanasan
ng makauring rebolusyon
kawastuan ng teorya
nilapat sa kongkretong praktika
unibersal na katotohanan
nakristalisa ng pananaw
pundasyon ng Marxismo
mahigpit na panghawakan
laban sa imperyalismo
modernong rebisyunismo
diwa ng teorya pinanday sa praktika
proletaryong internasyunalismo
ng pandaigdigang pakikibaka
diwa ng teorya pinanday sa praktika
proletaryong internasyunalismo
ng pandaigdigang pakikibaka
burges at rebisyunistang pananaw
wawasakin, lulusawin
kaisipang komunista, mangingibabaw
sangkatauhan, ganap na malaya
diwa ng teorya pinanday sa praktika
proletaryong internasyunalismo
ng pandaigdigang pakikibaka
diwa ng teorya pinanday sa praktika
proletaryong internasyunalismo
ng pandaigdigang pakikibaka
ng pandaigdigang pakikibaka
KAATEB BANGON
ang kagubatan ay tahanan at kanlungan
pinangalagaan kabuhayan ng katribuhan
likha ang pinag-isang bisig at pananaw
ipinagtanggol ang kolektibong pamumuhay
ngunit tahana'y inangkin ng tiranong gahaman
ipinatupad mapanupil na batas at patakaran
siniil ang karapatan, kulturang ipinunla
diskriminasyon hanggang sa kasalukuyan
kaateb bangon, gapiin ang umaalipin
ritwal ng paglaban, hawakan nang mahigpit
sa tanglaw ng partido, tayo nang magbigkis
labanan ang sabwatang lokal at dayong manlulupig
yaho, yaho, yaho, yaho
mga taghoy at panangis ng pinag-isang tinig
digmang bayan ating itindig, iparinig
ang nag-aalab na pananalig ihahatid
hanggang mawala ang pagsasamantala sa buong daigdig
yaho, yaho, yaho, yaho
kaateb bangon, gapiin ang umaalipin
ritwal ng paglaban, hawakan nang mahigpit
sa tanglaw ng partido, tayo nang magbigkis
labanan ang sabwatan ng lokal at dayong manlulupig
yaho, yaho, yaho, yaho
yaho, yaho, yaho, yaho
KABABAIHAN
kinagisnang kapaligiran
malayang pamumuhay
pantay ang karapatan
sa kolektibong buhay
sa pag-inog ng lipunan
lumitaw ang tunggalian
umiral ang pang-aalipin
tinuring na ginto
patuloy na binusabos
ginawang palamuting ginto
ng neokolonyal na estado
habang sa dibdib nag-aalimpuyo
ngayon na kababaihan
maling pananaw wakasan
manindigan at lumaban
kaisa ang aping mamamayan
tayo nang maglakbay
hanggang ang kadena
ng pang-aalipin lagutin
tungo sa ganap na paglaya
tayo na kababaihan
maling pananaw wakasan
manindigan at lumaban
nagkaisa ang aping mamamayan
tayo nang maglakbay
hanggang ang kadena
ng pang-aalipin lagutin
tungo sa ganap na paglaya
tungo sa ganap na paglaya
MAGSASAKA MAGKAISA
asendero sa San Vicente
lawak ng lupa'y di pahuhuli
pinapapatupad sa mga tenante
di makatarungang parte
sigaw:
Alegre
mula sa aming pagkabata
ay nagbungkal na ng lupa
atrasadong kagamitan
ang siyang kasangkapan
sigaw:
kagamitan
sinikap na mapagyaman
pinoblar ang lupang taniman
upang bigyang katugunan
pangangangailangan ng lipunan
sigaw:
magsasaka
ang ginhawang inaasam
hindi nakamtan ng lipunan
pagkat ito'y kinamkam
ng asenderong gahaman
sigaw:
pyudalismo
anakpawis gumising ka
tumindig para lumaban
problema ng sambayanan
ibagsak at wakasan na
chant:
imperyalismo, ibagsak!
pyudalismo, ibagsak!
burukratang kapitalismo, ibagsak!
pagkakaisa ating sandata
lupang inagaw bawiin na
kamtin ang kalayaan at demokrasya
tungo sa perspektibang sosyalista
chant:
sosyalismo
tungo sa perspektibang sosyalista
MARTSA NG PAGBABANGON
mataba ang lupang noo'y naghihintay
sa mga bisig na inagawan ng karapatan
mga biktima ng tunggalian sa lipunan
umasang ang gintong yaman mapapakinabangan
ngunit dayuhang korporasyon yumurak
nagkamal, nagtakas sa likas na yaman
kasabwat ang estado at lokal na gahaman
likha'y karumaldumal na karahasan
walang kapagurang patuloy na pinaglaban
mula sa minahan minartsa sa lansangan
umasa sa isang dekadang katahimikan
nagpakilos ng libong mamamayan
hudyat ng pagbabangong di mapigilan
mula sa kagubatan hanggang sa kapatagan
dala ang demanda ng sambayanan
patungo sa mataas na antas ng paglaban
solidong lakas ng mamamayan
ibabaon ang lumang lipunan
pagsasamantala'y wawakasan
hanggang sa ganap na tagumpay
walang kapagurang patuloy na pinaglaban
mula sa minahan minartsa sa lansangan
umasa sa isang dekadang katahimikan
nagpakilos ng libong mamamayan
hudyat ng pagbabangong di mapigilan
mula sa kagubatan hanggang kaptatagan
dala ang demanda ng mamamayan
patungo sa mataas na antas ng paglaban
solidong lakas ng mamamayan
ibabaon ang lumang lipunan
pagsasamantala'y wawakasan
hanggang sa ganap na tagumpay
PAGBABANGON SA CAMAMBUGAN
sa kasaysayan ng Camambugan
lumitaw ang diwang mapanlaban
sa puso't isipan ng mamamayan
isinulat sa dugo ng bayan
sinaklot ng pasistang berdugo
kasabwat ang asendero at estado
lumitaw ang pangil ng imperyalismo
kumitil ng maraming buhay ng tao
sa loob ng 'sang dekadang pandarahas
diwang palaban ng masa'y humupa
habang ang poot sa dibdib ay nagluluksa
hanap ay katarungan at paglaya
ngunit ang masang anakpawis
di makakalimot sa kasalanang mortal
ungol ng nakalugmok na katawan
ihahatid sa daluyong ng paglaban
Camambugan, di ka namin kalilimutan
ang iniwang gintong aral sa bayan
aming patuloy na ipaglalaban
hanggang makamtan ang ganap na tagumpay
Camambugan, di ka namin kalilimutan
ang iniwang gintong aral sa bayan
aming patuloy na ipaglalaban
hanggang makamtan ang ganap na tagumpay
tula
PALAYAIN ANG SARILI
palayain ang sarili
ikatlong kasarian
gapiin ang umaalipin
ikatlong kasarian
biktima ng pagsasamantala at diskriminasyon
di kinilala, kinokondena hanggang sa kasalukuyan
ng estadong burges na ganid at gahaman
palayain ang sarili
gapiin ang umaalipin
pananaw at paninindigan ay baguhin
makiisa sa kapwang inapi
at niyurakan ang karapatan
sa lipunang malakolonyal at malapyudal
tumahak sa landas ng pagbabago
kasama ng mamamayan
nag-aalab ang paglaban
partido ang tanging gabay
sa pagkilala ng kasarian
upang malikha ang makauring pagpapalaya
at ng buong sambayanan
kapit-bisig, lumahok sa pambansang pagbabangon
lagutin ang tanikala ng pambubusabos
tungo sa panlipunang transpormasyon
PORMILAN
mangganggawang bukid, tanong na iniwan
sa lupang Pimentel mula sa inampan
walang tigil sa pagkopra kahit pormilan
matugunan lamang ang pangnangailangan
asenderong ganid, likha'y karahasan
hindi man nagpawis pero nakinabang
army at tangke, kanilang kapangyarihan
para supilin ang masang lumalaban
magsasaka'y sumigla
hukbong bayan nariyan na
sa tanglaw ng agraryong reporma
nakamtan 50-50 demanda
ngunit humupa ang pagkakaisa
maling tunguhin ang nagpaantala
at ang magsasaka hinahawakan
ngunit itong lakas ay nabitiwan
bisig mo'y kanilang tinanganan
ng kadre kahit buhay inialay
lakas ng magsasaka ay naipundar
para sa muling pagbangon at paglaban
'wag sayangin ang panahon
masa, partido, hukbo kayo'y tutugon
kumilos para sa pambansang pagbabago
ang layo'y sosyalistang lipunan
PROLETARYONG PAGMAMAHALAN
minsan tayo'y nagkita
sa piling ng masa
hinatak ng paghangin
sa taglay mong pananaw at paninindigan
iginalang ang karapatan
batay sa prinsipyo't patakaran
na ating tinanganan
sa relasyong umugat sa problema ng lipunan
sa daan nagpanday ng makauring pagmamahal
sa paglusaw ng iba't ibang tunggalian
na pinagbuklod ng tamang pananaw
sa proletaryong pag-iibigan
binuo ang wastong landas ng kapasyahan
upang mapatibay ang ating kaisahan
sa balangkas ng digmang bayan
sa paghawak ng ating sumpaan
masa ay laging paglingkuran
punla'y ilalaan para sa nagpapatuloy na rebolusyon
hanggang sa paglaho ng uri sa lipunan
sa proletaryong pag-iibigan
binuo ang wastong landas ng kapasyahan
upang mapatibay ang ating kaisahan
sa balangkas ng digmang bayan
sa paghawak ng ating sumpaan
masa ay laging paglingkuran
punla'y ilalaan para sa nagpapatuloy na rebolusyon
hanggang sa paglaho ng uri sa lipunan
hanggang sa paglaho ng uri sa lipunan
REBOLUSYON SA KULTURA
simula nang tayo'y magkaisip
sa neokolonyal na paligid
mahabang panahon luminlang
ang kulturang burges at pyudal
rebolusyonaryong mga aral
sa ati'y nagmulat nagpanday
niyakap armadong paglaban
partido Komunista ang gabay
sa gawain at tungkuling tinahak
makauring sining at panitikan
patuloy na pinapalaganap
upang lisanin burges na kaisipan
ito'y rebolusyon sa kultura
sa buhay at pakikibaka ng masa
sining ng matagalang digmang bayan
mahigpit nating panghawakan
makauring kultura ating pag-alabin
susing sandata sa paggapi't pagpawi
ng pagsasamantala't pang-aapi
tungo sa paglaho ng uri sa lipunan
ito'y rebolusyon sa kultura
sa buhay at pakikibaka ng masa
sining ng matagalang digmang bayan
mahigpit nating panghawakan
hanggang sa paglaho ng uri sa lipunan
SULO SA KOPRASAN
Villafuerteng angkan
na ganid sa kabikulan
panlilinlang at karahasan
hinarap ng mga nagpunla
militanteng paglaban
kanilang tinanganan
sa pamumuno ng partido
kaisa nila ang hukbo
pagkakaisa'y pinan
rebolusyong agraryo
ay kanilang kinatamo
sa despotikong asendero
parusang kamatayan
ginawad ng mamamayan
sa asenderong gahaman
sa lupang kinamkam
ang sulo sa koprasan
mahigpit nating hawakan
wag kalilimutan
mga aral ng tagumpay
patatagin ang ating hanay
sa diwa ng digmang bayan
ating patutunguhan
sosyalistang lipunan
patatagin ang ating hanay
sa diwa ng digmang bayan
ating patutunguhan
sosyalistang lipunan
TAKTIKAL NA OPENSIBA
sa San Lorenzo Ruiz kami'y nagmartsa
kami'y magtatambang sa pasistang kaaway
ang dugong inutang ng pasistang berdugo
para singilin ang inutang na dugo
ambus sa gilid ng burol kami nagpusisyon
ang mga militar tiyak dito'y dadaan
pagputok ng bomba kasabay ang mga riple
abante hudyat ng paglaban
ilang minuto pagpalitan ng putok
napagtagumpayan ng pulang mandirigma
taktikal na opensiba laban sa mga pasista
alang-alang ito sa masa
tangke ng kaaway nagkawasak-wasak
naklining, nasamsam kalibreng masinggan
may 50 at 30 at gamit militar
sa ambus ng BHB sila'y nagulantang
partido, hukbong bayan, alyado at masa
ang tagumpay na 'to sa 'ting pagkakaisa
sosyalistang lipunan ating makakamtan
sa nag-aalab na digmang bayan
sosyalistang lipunan tiyak na makakamtan
sa nag-aalab na digmang bayan
sa nag-aalab na digmang bayan
No comments:
Post a Comment