Kasalaukuyang inaayos pa ang blog na ito.

Friday, March 11, 2016

Daluyong


1. Mangingisda Magbalikwas 
2. Sulong Mangingisda
3. Papel ng Mangingisda sa Digmaan>
4. Kasama Bayani Ka
5. Daluyong 

 

MANGINGISDA MAGBALIKWAS

magbangon, mangingisda
maghanda sa paglaot
lambat, sagwan at bangka

katawan, bisig at diwa sa lamig ng karagatan
at sa init ng araw
mangingisda sa dibdib mo'y walang puwang ang takot
sa gubat ng malawak na laot

prinsipyo mo'y ikatig
nang di mapapatid
matatag sa hampas ng alon

may daluyong at unos sa buhay mo
wag kang bibitiw
angkinin ang yamang sa iyo'y ipinagkait

ginagawang iyong kabuhayan
pangisdaan na mayaman
sinikil ang karapatan
nakahandusay sa batuhan

mangingisda sa dibdib mo'y walang puwang ang takot
sumandig sa kapwang binubusabos
lakas ng mamamayan ang siyang hahambalos
sa lipunang bulok ay dudurog

may daluyong at unos sa buhay mo
wag kang bibitiw
angkinin ang yamang sa iyo'y ipinagkait

ginagawang iyong kabuhayan
pangisdaan na mayaman
sinikil ang karapatan
nakahandusay sa batuhan

mangingisda, magbalikwas
harapin ang unos
isulong ang pambansang demokrasya
at sosyalismo ay malubos
at sosyalismo ay malubos
 

 

Sulong Mangingisda

ha-ha-ha-ha
ha-ha-ha-ha
ha-ha-ha-ha-ha
ha-ha-ha-ha

kalagin ang timbang na kadena
lambatin ang mga mapang-api
lambatin ang mga mapagsamantala
tahakin natin ang pakikibaka

ito'y di isang kapalaran
ito'y sistemang pinairal
ng iilang mapagsamantala
nakaupo sa kapangyarihan

sulong mangingisda, sumulong mangingisda
palawakin ang lambat ng pagkakaisa
payamanin ang lakas ng pakikibaka
na sa iyo'y magpapalaya

ha-ha-ha-ha
ha-ha-ha-ha
ha-ha-ha-ha-ha
ha-ha-ha-ha

ngayon ang panahon ng paglaban
sa kanayunan hanggang kalunsuran
itaguyod ang diwang militante at palaban
tahakin ang pulang landas ng kalayaan

sulong mangingisda, sumulong mangingisda
palawakin ang lambat ng pagkakaisa
payamanin ang lakas ng pakikibaka
na sa iyo'y magpapalaya

ngayon ang panahon ng paglaban
sa kanayunan hanggang kalunsuran
itaguyod ang diwang militante at palaban
tahakin ang pulang landas ng kalayaan
itaguyod ang diwang militante at palaban
tahakin ang pulang landas ng kalayaan
 

 

Papel ng Mangingisda sa Digmaan

inagaw ang lupa at kabundukan
mangingisda ay iginupo ng iilan
mga gahaman lokal at dayuhan
mga mapang-api

pinanday ka ng karanasan
sa madawag na laot
laban sa mga salot
bundok, burol at mga tala
giya sa pakikibaka

sa kanayunan iyong masdan
nagliliyab ang digmaan
sa lunsod dumadagundong ang lakas
ang lakas ng sambayanan

magkaisa, maghanda, kumilos ngayon na
yan ang bisig mong natatangi
sa kilusang magsasaka't manggagawa
sa atin ay magpapalaya

sa kanayunan iyong masdan
nagliliyab ang digmaan
sa lunsod dumadagundong ang lakas
ang lakas ng sambayanan

magbalikwas at tayo'y lumaban
prinsipyo at gatilyo ang tanganan
matatag sigaw ay kalayaan
gapiin ang kaaway ng bayan

sa kanayunan iyong masdan
nagliliyab ang digmaan
sa lunsod dumadagundong ang lakas
ang lakas ng sambayanan

mangingisda, malaki ang papel sa digmaan
at pag-uugnayin mga pulo at larangan
handa ang bisig sa paglambat at pagkubkob sa kaaway ng bayan

mangingisda, malaki ang papel sa digmang bayan
pag-uugnayin mga pulo at larangan
handa ang bisig sa paglambat at pagkubkob sa kalunsuran

 

Kasama, Bayani Ka

narration:
ipaglalaban namin ang aming lupang sakahan
sukdalang dito pa kami magbuwis ng buhay
dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng aming pamilya
at susunod na henerasyon

kanta:
sa iyong makakapal na palad
nakabakas ng kahirapang dinanas sa buhay
na higit na nagpahigpit sa tangan
sa dakilang paninindigan

sa iyong pangangatawan
makikita ang maskulong pinagpandayan
ng aserong bakal na kawangis mo
sa pagharap sa hamon ng buhay

sa iyong mukha maisasalarawan
makauring pakikibaka
laban sa panginoong maylupa
dayuhan at berdugong estado

sa iyong mga kataga makikita
ang katiyakan ng tagumpay

kasama bayani ka (bayani ka) ng sambayanan
uri mo'y pinanday ng kilusan
dudurog sa matagal nang kaayusan

kaya proletaryong diwa
sa iyo'y nananalatay
na magtitiyak sa ganap na tagumpay

instrumental (gitara)

sa iyong pagpanaw
aming natatanaw
libong mamamayan ang mapupukaw
nakahanda sa pagbubuwis ng buhay
nang kalayaan ay makamtan

kasama bayani ka (bayani ka) ng sambayanan
uri mo'y pinanday ng dusa
dudurog sa matagal nang kaapihan

kaya proletaryong diwa
sa iyo'y nananalatay
na magtitiyak sa ganap na tagumpay

(transposition half chord higher)
kasama bayani ka (bayani ka) ng sambayanan
uri mo'y pinanday ng kilusan
dudurog sa matagal nang kaapihan

kaya proletaryong diwa
sa iyo'y nananalatay
na magtitiyak sa ganap na tagumpay
 

Daluyong

hayaan mong hampasin ng mga alon
ang magagandang baybayin
kung mula rito ay matutuklasan
ang malaon nang mga katanungan

huwag mong gawing pigilan
ang tinutungo ng kasaysayan
ito'y isang agos, hindi mapipigilan
tulad ng daluyong ng mga alon

ito ang diwang dapat tanganan
daluyong ng alon ay ayumahin
ito ang sibat na sa iyo'y magpapalaya
sa matagal nang pagkaalipin

instrumental (gitara)

ito ang batas ng katotohanan
sa mangingisda'y magpapalaya
sa lakas at tayo man ng paglaban
ng buong sambayanan

ayumahin mo ang pakikibaka
sa karet ng kapatid na magsasaka
maso't dunong ng manggagawa
gamiting panday sa pagpapalaya

ito ang diwang dapat tanganan
daluyong ng alon ay ayumahin
ito ang sibat na sa iyo'y magpapalaya
sa matagal nang pagkaalipin
ito ang sibat na sa iyo'y magpapalaya
sa matagal nang pagkaalipin
 

No comments:

Post a Comment