Kasalaukuyang inaayos pa ang blog na ito.

Friday, March 11, 2016

ARMAS - Timog Katagalugan


 

PANATA NG BAYAN


demokrasya, kalayaan, katarungan, pagkakaisa
ito ang mga simulain, ng ating pakikibaka
nais natin ay lipunan na malaya at makabayan
nais natin ay lipunan, makatao, makatarungan

ito ang ating panata at paninindigan
ito ang ating panata at paninindigan
demokrasya, hindi diktadura
kalayaan at hindi kadena
kapakanan ng bayan, hindi ng dayuhan
pagkakaisa ng buong bayan

sulong bayan, tayo'y magkaisa
laban sa uring mapagsamantala
bangon bayan, sulong bayan
magkapit-bisig tayo tungo sa tagumpay

ito ang ating panata at paninindigan
ito ang ating panata at paninindigan
demokrasya, hindi diktadura
kalayaan at hindi kadena
kapakanan ng bayan, hindi ng dayuhan
pagkakaisa ng buong bayan

sulong bayan, tayo'y magkaisa
laban sa uring mapagsamantala
bangon bayan, sulong bayan
magkapit-bisig tayo tungo sa tagumpay
 

 

LUMUHA KA AKING BAYAN


Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa
Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
Na sa iyo'y pampahirap, sa banyaga'y pampalusog
Ang bandilang sagisag mo'y lukob ng dayong bandila
Pati wikang minana mo'y busabos ng ibang wika

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang
Sa libingan ng maliit, ang malaki'y may libangan
Ang lahat mong kayamana'y kamal-kamal na naubos
Ang lahat mong kalayaa'y sabay-sabay na natapos

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon
Lumuha ka nang lumuha't ang laya mo'y nakaburol

May araw ding ang luha mo'y masasaid, matutuyo
May araw ding di na luha sa mata mo'y mamumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo
Sisigaw ka nang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala'y lalagutin mo ng punglo!
halaw sa tula ni Amado V. Hernandez na isinulat noong Agosto 13, 1930.

 

PATAK NG ULAN


patak ng ulan sa lupaing tigang
wari ay luha ng mga mamamayan
subalit di luha ang laging daratal
habang di tulog ang isip at laman

mga inaapi, titindig, tatanaw
sa dakong silangan
kung saan sisikat
mapulang araw ng kalayaan

(instrumental - gitara)

patak ng ulan sa lupaing tigang
wari ay luha ng mga mamamayan
subalit di luha ang laging daratal
habang di tulog ang isip at laman

mga inaapi, titindig, tatanaw
sa dakong silangan
kung saan sisikat
mapulang araw ng kalayaan
 

 

SULONG MGA KASAMA


(A cappella)
Ang magbuhos ng dugo para sa bayan
Ay kagitingang hindi malilimutan
Ang buhay na inialay sa lupang mahal
Mayaman sa aral at kadakilaan.

(may saliw ng tugtog ng gitara)
Sulong mga kasama huwag matakot
Ang digmaang bayan ating itaguyod
Sa pakikibaka ay marami ang unos
Subalit ang bukas ay may layang dulot.

Tayong mga api ay may angking lakas
Kabundukang Sierra Madre ang katumbas
Tigreng papel ang imperyalistang gahaman
Tiyak na magagapi sa himagsikan

Ang magbuhos ng dugo para sa bayan
Ay kagitingang hindi malilimutan
Ang buhay na inialay sa lupang mahal
Mayaman sa aral at kadakilaan

Sulong mga kasama huwag matakot
Ang digmaang bayan ating itaguyod
Sa pakikibaka ay marami ang unos
Subalit ang bukas ay may layang dulot

Tayong mga api ay may angking lakas
Kabundukang Sierra Madre ang katumbas
Tigreng papel ang imperyalistang gahaman
Tiyak na magagapi sa himagsikan

Ang magbuhos ng dugo para sa bayan
Ay kagitingang hindi malilimutan
Ang buhay na inialay sa lupang mahal
Mayaman sa aral at kadakilaan

 

MAGTATAGUMPAY ANG KILUSANG MAPAGPALAYA


at ating natitiyak na magtatagumpay
ang kilusang mapagpalaya
na siyang dudurog sa kaaway
nanlulupig sa bayan

at tayo'y hindi tutugot
hanggang sa ganap na tagumpay
sa lahat ng sulok ng bayan
na may pang-aapi

at tayo'y hindi susuko
hanggang sa ganap na tagumpay
sa lahat ng sulok ng daigdig
na may pang-aapi
sa lahat ng sulok ng daigdig
na may pang-aapi

 

APOY NG 1896


papag-alabin ang apoy ng kalayaan
sa puso ng mga mamamayan
palaganapin ang kanyang lagablab
sa bundok, bukid, pagawaan
ang sigaw ay bigyan ng buhay
sa kapanahunan

dumadagundong ang alon ng pagbabago
di makakaiwas ang gahamang puso
ang kulog at kidlat ay magsisisabog
galit ng baya'y di matatapos
habang ang pagniniil
ang siyang dinidiyos

itaguyod ang pagsulong
ang pag-aalab ng apoy
ang apoy ng kalayaan
sa lahat ng panahon
sa lahat ng panahon

panloob na tunggalian ang mapagpasya
kaya't patatagin ang pagkakaisa
hindi tigil ang tunay na pagbabago
landas ay malayo at liku-liko
pandayin na ngayon ang pagkakabuklod

itaguyod ang pagsulong
ang pag-aalab ng apoy
ang apoy ng kalayaan
sa lahat ng panahon
sa lahat ng panahon

itaguyod ang pagsulong
ang pag-aalab ng apoy
ang apoy ng kalayaan
sa lahat ng panahon
sa lahat ng panahon

 

MARTSA NG NAGKAKAISANG HANAY


tayo'y maghahanda ng daan, alang-alang sa ating bayan
ngayon ang panahon sa pagsusulong ng rebolusyon
manggagawa, magkaisa, lumabas ka sa pabrika
pamunuan ang pakikibaka laban sa pagsasamantala

tayo'y maghahanda ng daan, alang-alang sa ating bayan
ngayon ang panahon sa pagsusulong ng rebolusyon
magsasaka, bumangon ka, lupa ay bawiin na
ang uring pinahihirapan, sama-samang magkaisa

tayo'y maghahanda ng daan, alang-alang sa ating bayan
ngayon ang panahon sa pagsusulong ng rebolusyon
kabataan, gumising ka, akyatin mo ang kabundukan
sumanib ka sa Bagong Hukbong Bayan, sa landas ng digmang bayan

tayo'y maghahanda ng daan, alang-alang sa ating bayan
ngayon ang panahon sa pagsusulong ng rebolusyon
kababaihan, lumaban ka, sumulong ka at humawak ng sandata
karapatan sa lipunan ay ipaglaban, himagsikan ang kasagutan

tayo'y maghahanda ng daan, alang-alang sa ating bayan
ngayon ang panahon sa pagsusulong ng rebolusyon
taong simbahan at propesyunal, petiburgesya ng kalunsuran
negosyanteng makabayan, mga minorya magsulong ng digmaan

tayo'y maghahanda ng daan, alang-alang sa ating bayan
ngayon ang panahon sa pagsusulong ng rebolusyon
tayo'y maghahanda ng daan, alang-alang sa ating bayan
ngayon ang panahon sa pagsusulong ng rebolusyon
 

 

BATAYANG AKTITUD


di ba tayo kasama, sa layunin ay tapat
layuni'y nagsisilbi sa interes ng masa
kung tayo'y rebolusyonaryo, dapat ipakita
batayang aktitud sa isip at gawa

batayang aktitud ay dapat tandaan
masikhay sa pag-aaral, masigasig sa pagtrabaho
matapat sa punahan, hindi liberal
handang magsakripisyo at disiplinado

sa ating pakikitungo sa mamamayan
ang linyang pangmasa, yan ang ating giya
dahil masa lamang ang tunay na bayani
sila ang tagapaglikha ng kasaysayan

iwasto ang mali, ituwid ang lihis
magaspang na pagkilos, dapat na iwaksi
kung tayo'y rebolusyonaryo sa tunay na kahulugan
batayang aktitud dapat nating panghawakan

batayang aktitud ay dapat tandaan
masikhay sa pag-aaral, masigasig sa pagtrabaho
matapat sa punahan, hindi liberal
handang magsakripisyo at disiplinado

sa ating pakikitungo sa mamamayan
ang linyang pangmasa, yan ang ating giya
dahil masa lamang ang tunay na bayani
sila ang tagapaglikha ng kasaysayan
dahil masa lamang ang tunay na bayani
sila ang tagapaglikha ng kasaysayan

 

 

GINTONG SILAHIS


tayo'y lalakad sa ulan
upang isulong ang digmang bayan
anumang putik at dulas ng daan
mga balakid ating lalampasan

angil ng punglo'y di pansin
awit ng larangan ay dinggin
anumang hirap, pakikibaka'y pataasin
mga kaaway, ating lulupigin

gintong silahis sa umaga
mga ngiti at awit ng masa
anumang hirap mapapawi sa tuwina
kung ang masa at hukbo ay nagkaisa

gintong silahis sa umaga
mga ngiti at awit ng masa
anumang hirap mapapawi sa tuwina
kung ang masa at hukbo ay nagkaisa

anumang hirap mapapawi sa tuwina
kung ang masa at hukbo ay nagkaisa

 

TIGRENG PAPEL


ang mga kaaway sa unang tingin
ay isang higanteng malakas
ngunit sa harap ng mamamayan
sila'y nanginginig

hindi sila magwawagi
mauubos unti-unti
kapag ang sandata'y hawak ng masa
mukha nila'y nanginginig

sila ay tigreng papel, tigreng papel
at walang tunay na lakas
sila ay tigreng papel, tigreng papel
at tiyak na babagsak

 

 

MASA AY PAKILUSIN


kalayaan ma'y naisin
kung ang masa'y di sa atin
'ya'y pangarap na gising
demokrasya ma'y layunin
kung ang masa'y lilimutin
ay walang mararating

kaya't pukawin at pakilusin
ang masang pag- asa ng laya natin
sila'y pukawin at pakilusin
upang lumakas ang kilusan natin

sila'y pukawin at pakilusin
ang tagumpay ay kakamtin
mula sa masa, tungo sa masa rin
yan ang patnubay natin

masa, masa, ang ngalan mo'y dakila
nasa sa iyo ang pag-asang lumaya
laya, laya, tumawag sa partido
diringgin ng masa ang ating panawagan

panambitan, panambitan, panambitan ang BHB ay pakinggan
lumalaban, lumalaban, lumalaban nang sabayan kahit saan
kung nais mong lumaya na, magkaisa at humawak ng sandata
kahit kami'y api, hindi pa rin magagapi

(sabay na awitin ng dalawang panig ang dalawang huling talata)

diringgin ng masa ang ating panawagan

 

 

BANGON KAURING ALIPIN


tayo ang pipigil sa ganitong kalagayan
di tayo pasisiil sa malupit na dayuhan
panahon na upang ating baguhin ang kalagayan
panahon na upang tayong inaapi ay lumaban

ang laban ng isa ay laban ng lahat
bangon kauring alipin, gapos ay kalagin
ang bukas ay atin, ang bayan ay lalaya rin

sistemang mapang-api ay dapat nating ibagsak
manlulupig na dayuhan ay dapat na bigyang wakas
panahon na upang ating tahakin ang pulang landas
panahon na upang tayong inaapi'y magbalikwas

ang laban ng isa ay laban ng lahat
bangon kauring alipin, gapos ay kalagin
ang bukas ay atin, ang bayan ay lalaya rin

mangahas makibaka
mangahas magtagumpay!


 

MAGSASAKA IKAW AY BAYANI


ikaw na bisig ang siyang nagbubungkal
ikaw na pawis at dugo ang tanging puhunan
ikaw na bihag, dukha't hinahamak
ikaw ay bayani, dangal ng lipunan

itong tanikala ng pagkaalipin mo
unti-unting dinudurog hanggang maging abo
itong nakalukob na agilang dayo
pilit iginugupo, nang laya'y mapasaiyo

sa tuwina'y taglay ibayong pag-asa
buo ang hangaring wakasan ang pagsasamantala
sa daluyong ng daan-libong nag-aalsa
itatanghal kayong bayani, kayong magsasaka

sa tuwina'y taglay ibayong pag-asa
buo ang hangaring wakasan ang pagsasamantala
sa daluyong ng daan-libong nag-aalsa
itatanghal kayong bayani, kayong magsasaka
 

 

PAALAM


alam kong darating ang oras na ito
bawat isa ay magsasabing
paalam kasama, paalam sa inyo
hanggang sa muling pagtatagpo

salamat sa inyong mga payo't gabay
salamat sa inyong pagdamay
sa mga sandaling tayo'y nagsama
sa hirap, gutom at tuwa

sa aking paglisan ay laging kasama
sa bawat hakbang ng paglaya
kami ma'y masawi sa gitna ng landas
asahang may ngiti ang bukas

alam kong darating ang oras na ito
bawat isa ay magsasabing
paalam kasama, paalam sa inyo
hanggang sa muling pagtatagpo

sa aking paglisan ay laging kasama
sa bawat hakbang ng paglaya
kami ma'y masawi sa gitna ng landas
asahang may ngiti ang bukas

sa aking paglisan ay laging kasama
sa bawat hakbang ng paglaya
kami ma'y masawi sa gitna ng landas
asahang may ngiti ang bukas
 

 

MANGGAGAWA, GISING AT LUMABAN


manggagawa, gising at lumaban
nang makamtan ang kalayaan
sa pang-aapi ng dayuhan
imperyalistang gahaman
ang sagot ng bayan ay himagsakan

proletaryo, progresibo
sa kilusan, alay ay pawis at dugo
manggagawa, magsasaka
lakas ay ang pagkakaisa
sa bukid at parang, bundok, kapatagan
handang lumaban para sa kalayaan
sa pang-aapi ng dayuhan
imperyalistang gahaman
ang sagot ng bayan ay himagsakan

proletaryo, progresibo
sa kilusan alay ay pawis at dugo
manggagawa, magsasaka
lakas ay ang pagkakaisa
sa bukid at parang, bundok, kapatagan
handang lumaban para sa kalayaan
sa pang-aapi ng dayuhan
imperyalistang gahaman
ang sagot ng bayan ay himagsakan

 

KANDILA


kandila sa gitna ng kadiliman
ang hawak mo sa iyong mga kamay
umaasang ika'y makakakita
sa pamamagitan ng liwanag niyang taglay

hindi ka dapat matakot sa pagdilim
mayroon kang kandila ito ay gamitin
at ang iyong paroroona'y iyong makikita

ilaw na dulot ng ibang kandila
tumatawag pansin, tumutugon
pawang mga bituin na nasa lupa
malayo ma'y nais mo pang abutin

halina't lakbayin hanggang sila'y makasama
hanggang sa magtipon, lahat ng kandila
at ang iyong paroroonan ay iyong makikita

ilaw na dulot ng ibang kandila
tumatawag pansin, tumutugon
pawang mga bituin na nasa lupa
malayo ma'y nais mo pang abutin

halina't lakbayin hanggang sila'y makasama
hanggang sa magtipon, lahat ng kandila
at ang iyong paroroonan ay iyong makikita
 

 

MULA SA KANAYUNAN


huwag mong sabihing ang bayan ay payapa
kung hindi ka mahimbing sa pagyanig ng lupa
huwag mong sabihing ang bayan ay tahimik
kung ika'y natutulig sa ingay ng paligid

silid-aralan ay ginawang piitan
pati ang liwasan ay binabakuran
may kawal na tanod sa alambreng tinik
sariling kabuhayan ay aagawing pilit

o ang kanayunan, mistulang isang bilangguan
o sa bayang sinilangan, tumututol ang mga mamamayan

armas at militar, tangke at eroplano
panlunas daw ito ng gulo sa bayan ko
nagtayo ng kampo at tinipon ang mga tao
sinumang paghihinalaa'y babarilin ng sundalo

o sa kanayunan, patuloy ang pamamaslang
o sa bayan sinilangan, tumututol ang mga mamamayan

sa pagsapit ng dilim, maliwanag ang kampo
pati kabihasna'y animo sementeryo
habang sila'y nagdiriwang, nagluluksa ang ating bayan
nananaghoy sa gitna ng karimlan

o sa lupang tinubuan, nagbubuklod ang mamamayan
gumigising ang kagubatan, tumatawag ang kabundukan
tumatawag ang kabundukan, tumatawag ang hukbong bayan

 

SALUBUNGIN ANG BAGONG ARAW


salubungin ang bagong araw
na malinis ang diwang taglay
taas-noong tumanaw sa silangan
buksan ang dibdib mong alay
sa dambanang ginto ang langit
ihayag ang pagtatalimbisig

dakilang apoy at buhay
kapantay mo ay kawalan
dugo namin ang tanging alay
sa iyo apoy ang siyang bubuhay
sa patnubay ng bagong araw
mithiin ng buong bayan

tumanaw sa mapulang silangan
kamtin ang ispiritung hatid
marangal na diwa ay kakamtin
itatanim sa dibdib at isip
kapag ang hininga ay pumanaw
sasalubong ang bagong araw

salubungin ang bagong araw
na malinis ang diwang taglay
taas-noong tumanaw sa silangan
buksan ang dibdib mong alay
sa dambanang ginto ang langit
ihayag ang pagtatalimbisig

dakilang apoy at buhay
kapantay mo ay kawalan
dugo namin ang tanging alay
sa iyo apoy ang siyang bubuhay
sa patnubay ng bagong araw
mithiin ng buong bayan

tumanaw sa mapulang silangan
kamtin ang ispiritung hatid
marangal na diwa ay kakamtin
itatanim sa dibdib at isip
kapag ang hininga ay pumanaw
sasalubong ang bagong araw

 

PARANGAL SA REBOLUSYONARYONG MARTIR


inialay niya ang kanyang tanging buhay
para sa kapakanan ng aping mamamayan
kanyang minahal ang uring anakpawis
at kinamuhian ang uring mapang-api

natutunan niyang pangibabawan
kahinaan at kahirapan
sa kamay ng kaaway o sa larangan man
magiting siyang nanindigan

ang pagpanaw niya'y gabundok ang kapantay
o kay dakilang buhay, luwalhating pagkamatay

natutunan niyang pangibabawan
kahinaan at kahirapan
sa kamay ng kaaway o sa larangan man
magiting siyang nanindigan

landas na dinilig ng kanyang dugo't pawis
ating tatahakin, tagumpay ay kakamtin
tagumpay ay kakamtin
(i-hum sa tunog ng "oh" ang buong kanta)  

 

PAPURI SA SOSYALISMO


hindi tayo titigil hangga't di nagwawagi
ang ating mithiing magkapantay-pantay
walang magsasamantala, walang mang-aapi
yan ang sandigan ng ating pamumuhay

ilalaban natin ang bagong kaisipan
ng pinakasulong na uri ng lipunan
mananaig ang diwa ng proletaryo
bawat hakbang nati'y patungong sosyalismo

magbabago ang paggamit ng ating makina
hindi na gagamitin sa pagsasamantala
para sa lipunan ang ating yayariin
hindi pagtutubuan ang ating lilikhain

alyansang manggagawa at magsasaka
lakas at kapangyarihang walang hanggan
babaguhin ng proletaryo ang buong mundo
bawat hakbang nati'y patungong sosyalismo

hindi tayo titigil hangga't di nagwawagi
ang ating mithiing magkapantay-pantay
walang magsasamantala, walang mang-aapi
yan ang sandigan ng ating pamumuhay
 

 

AWIT SA KARELASYON


palad nati'y nagdaop
nang minsa'y dumalaw ka
may hatid kang pag-asa
init kang dumampi
sa lamig at dusa
ng pusong sa laya'y ulila

puso ko'y nabihag mo sinta
tanggapin mo sana
sa pakikibaka, tayo'y magsama

sa pagsubok na itong dumating
nakihati ka sa hilahil
puso ko'y nagising
buhay kong ito giliw
sapat ma'y kulang pa rin

(instrumental - gitara)

palad nati'y nagbigkis sa isang pag-aalay
sa kapwa at sa bayan
damhin mo ang sampintig ng pagmamahalan
ang sigaw ay kalayaan

puso ko'y bahagi mo sinta
tanggapin mo sana
sa kalayaan tayo'y magsama
sa kalayaan tayo'y magsama

 

IMPERYALISMO IBAGSAK


natitiyak ang pagkabagsak
ng mga uring mapang-api
nasa atin ang katugunan
magkaisa at lumaban

upang lumaya ang daigdig
magkaisa, magkaisa
ang nakararami'y tiyak na
magwawagi, magwawagi

ang bisig ng uring api
manggagawa't magsasaka
kaya ngayon, sama-samang
kabakahin ang mang-aapi

ibagsak, ibagsak
ang kaaway ng buong daigdig
makibaka, wag matakot
durugin natin ang kaaway
na marami nang inutang na dugo

ibagsak, ibagsak ang imperyalismong Kano

 

BIGWAS NG TAGUMPAY


sagutin ang bagong hagupit
sa buhay, sahod at trabaho
magpalawak, kumilos ngayon din
labanan ang dayuhang kapital at
estadong kolonyal at kapitalistang ganid

sa nayon, muling kinamkam
lupang ating binungkal
magsasaka, ngayo'y magbuklod
labanan ang ganid na panginoong maylupa
wakasan ang pang-aapi

kalayaan sa bayang api
sa tabak at gatilyo'y tumangan
kalayaan ang ating sigaw
sa bigwas ng tagumpay ng paglaya

naglalagablab ang bukid
patungo sa bawat lunsod
panahon nang magbalikwas
imperyalismo'y labanan
kahirapa'y wakasan
baguhin ang ating lipunan

kalayaan sa bayang api
sa tabak at gatilyo'y tumangan
kalayaan ang ating sigaw
sa bigwas ng tagumpay ng paglaya

kalayaan sa bayang api
sa tabak at gatilyo'y tumangan
kalayaan ang ating sigaw
sa bigwas ng tagumpay
sa bigwas ng tagumpay
sa bigwas ng tagumpay ng paglaya

(i-hum ang pangunahing melodya sa tunog na "hu" ng apat na ulit.)

 

MARTSA PASULONG


sa tambalan ng tunggalian, isigaw ang tagumpay
sa larangan ng digmaan, puksain ang kaaway
sambayanang nagpupuyos sa dayuhan
laan ang buhay sa himagsikan

uring manggagawa, itanghal ang lakas mo
palayain ang bayan sa pamumuno mo
kasama ng magsasaka at kabataan
at inaaping uri sa lipunan

magmartsa pasulong sa sulo ng rebolusyon
magmartsa pasulong, sa kaaway 'wag umurong
hamunin sa makauring paglaban
katangian ng ating digmang bayan

magmartsa pasulong sa sulo ng rebolusyon
magmartsa pasulong, sa kaaway 'wag umurong
ang uri sa uring paglalaban
wawakasan ng ating digmang bayan

magmartsa pasulong
magmartsa pasulong
magmartsa pasulong

 

AWIT NG PETIBURGES


kapayapaan, katarungan ay hindi dapat hadlangan
pagtutulungan, dito'y magkaisa bawat taumbayan

buhay na kinagisnan, puno ng ginhawa
buhay na kumupkop, di yata makakayang iwan
buhay na kayhirap, bagay na di gagap
bukas o nakaraan, saan nga ba ang patutunguhan
naguguluhan pa ako ngayon
naghihintay na sila roon

may panahong magduda at magtanong
ngayon ang panahon ng pagharap at pagsulong
pagtatanong ay 'wag lubayan
tunggalian ay walang katapusan

aking mga mata, malinaw ang nakikita
luha ng kapatid, dusa na di napapatid
diwa ay natalos, payo at kumilos
tawag ng pangangailangan, di na matatalikuran

at ang bisig ko'y handa na ngayon
at makakayang iwan ang noon
may panahong magduda at magtanong
ngayon ang panahon ng pagharap at pagsulong
pagtatanong ay 'wag lubayan
tunggalian ay walang katapusan

may panahong magduda at magtanong
ngayon ang panahon ng pagharap at pagsulong
pagtatanong ay 'wag lubayan
tunggalian ay walang katapusan

may panahong magduda at magtanong
ngayon ang panahon ng pagharap at pagsulong
pagtatanong ay 'wag lubayan
tunggalian ay walang katapusan
 

 

TAYO'Y NARITO


naalala mo ba kasama, simula ng pakikibaka
sa hirap at pagdaluyong, pagsabay sa panahon
dalawampu't pitong taon nating isinusulong
digmang bayan patuloy sa pagyabong

niyakap mo pang sandata, kasabay ng ating panata
paglingkuran ang bayan hanggang katapusan
pagkakamali ng kahapon, iwawasto ng pagbabangon
tayo'y narito, patuloy sa pagsulong

'wag mong kalilimutan ang ating kasaysayan
inyong alalahanin ang sinimulan
tayo'y nagwawasto sa gitna ng digmaan
tayo'y narito, patuloy sa paglaban

niyakap mo pang sandata, kasabay ng ating panata
paglingkuran ang bayan hanggang katapusan
pagkakamali ng kahapon, iwawasto ng pagbabangon
tayo'y narito, patuloy sa pagsulong

'wag mong kalilimutan ang ating kasaysayan
inyong alalahanin ang sinimulan
tayo'y nagwawasto sa gitna ng digmaan
tayo'y narito, patuloy sa paglaban
tayo'y narito, patuloy sa paglaban
tayo'y narito, patuloy sa paglaban

naalala mo ba kasama
naalala mo ba kasama
naalala mo ba kasama

 

SA KAMATAYAN MAN


malaki ka na, kahit walang suhay
sa iyong paglakbay sa daan ng buhay
may isip ka na, sapat nang gabay
sa lakas mong taglay, daigdig ibuwal

iwaksi mo na, aliping sarili
ngayon, ikaw ay manindigan nang taos
lakbayin mong may ngiti ang dilim at pighati
may wakas sa bawat hapis at pagtitiis

sa kamatayan man, buhay ay tagumpay

 

TAKTIKAL NA OPENSIBA


ating pasiglahin ang taktikal na opensiba
sa nahihiwalay, mahihinang kaaway
daan o ilog man, sila'y ating tatambangan
maliit na detatsment atin ding babanatan

sikapin natin na ating maipasulong
sa bawat baitang ng ating rebolusyon
ang munting pagwawagi kung ating titipunin
malalaking tagumpay ang makakamit natin

kaya't sumalig, umasa sa masa
lakas ng ating hukbo ay mula sa kanila
kahit anong lakas mayroon ang kaaway
matatalo sila pagkat tayo'y may suporta

halina kasama, ihanda ang ating pwersa
tatambangan natin ang tropang pasista
susundan ang ilog, sa bundok maglalakbay
ating lilipulin, mahihinang kaaway

kaya't sumalig, umasa sa masa
lakas ng ating hukbo ay mula sa kanila
kahit anong lakas mayroon ang kaaway
matatalo sila pagkat tayo'y may suporta

halina kasama, ihanda ang ating pwersa
tatambangan natin ang tropang pasista
susundan ang ilog, sa bundok maglalakbay
ating lilipulin, mahihinang kaaway

kaya't sumalig, umasa sa masa
lakas ng ating hukbo ay mula sa kanila
kahit anong lakas mayroon ang kaaway
matatalo sila pagkat tayo'y may suporta

kahit anong lakas mayroon ang kaaway
matatalo sila pagkat tayo'y may suporta
 

MAMAMAYAN NG BUONG DAIGDIG


mamamayan ng buong daigdig
magkaisa at ating gapiin
mananalakay na Kano
at lahat ng alipures nila

mamamayan ng buong daigdig
maging matapang, mangahas lumaban
harapin, lahat ng kahirapan
at mangagsisulong na tulad ng alon

sa gayon ang daigdig
ay mauukol sa mamamayan
at lahat ng uri ng mga halimaw
ay mapupuksa

mamamayan, mamamayan, mamamayan
magkaisa!

 

INTERNASYUNALE


bangon sa pagkakabusabos
bangon mga bihag ng gutom
katwiran ay bulkang sasabog
buong lakas na dadagundong

gapos ng kahapo'y lagutin
tayong api'y magbalikwas
tayo ngayo'y inaalipin
subalit atin ang bukas

ito'y huling paglalaban
magkaisa nang masaklaw
ng internasyunale ang sangkatauhan
ito'y huling paglalaban
magkaisa nang masaklaw
ng internasyunale ang sangkatauhan

wala tayong maasahan
bathala o manunubos
kaya't ang ating kaligtasa'y
nasa ating pagkilos

manggagawa bawiin ang yaman
kaisipa'y palayain
ang maso ay ating tanganan
kinabukasa'y pandayin

ito'y huling paglalaban
magkaisa nang masaklaw
ng internasyunale ang sangkatauhan
ito'y huling paglalaban
magkaisa nang masaklaw
ng internasyunale ang sangkatauhan

manggagawa at magsasaka
ating partido'y dakila
palayasin ang mga gahaman
sa anakpawis ang daigdigan

wakasan, pagsasamantala
ng mga buwitre at uwak
sa umagang sila'y maglaho
mapulang araw sisikat

ito'y huling paglalaban
magkaisa nang masaklaw
ng internasyunale ang sangkatauhan
ito'y huling paglalaban
magkaisa nang masaklaw
ng internasyunale ang sangkatauhan
 

3 comments: