Kasalaukuyang inaayos pa ang blog na ito.

Saturday, March 5, 2016

Aplaya

Hayuma ng Pakikibaka
Lambat ng Pagkakaisa
Laot ng Pakikibaka
Magbangon Mangingisda
Parangal


 

HAYUMA NG PAKIKIBAKA


Hayaan mong hampasin ng mga alon
Ang magagandang baybayin
Kung mula rito ay matutuklasan
Ang malaon nang mga katanungan

Huwag mong gawing tigilan
ang tinutungo ng kasaysayan
Ito’y isang agos di mapipigilan
tulad ng daluyong ng mga alon

Ito ang diwang dapat tanganan
daluyong ng alon ay ayumahin
Ito ang sibat na sayo’y magpapalaya
Sa matagal nang pagkaalipin

Ito ang batas ng katotohanan
sa mangingisda’y magpapalaya
Sa lakas at hayuma ng paglaban ng buong sambayanan
Ayahin mo ang pakikibaka sa karit ng kapatid na magsasaka
Maso’t puno ng manggagawa gamiting panday sa pagpapalaya

Ito ang diwang dapat tanganan
Daluyong ng alon ay ayumahin
Ito ang sibat na sayo’y magpapalaya
Sa matagal nang pagkaalipin
Sa matagal nang pagkaalipin



 

LAMBAT NG PAGKAKAISA


ha-ha-ha-ha
ha-ha-ha-ha
ha-ha-ha-ha-ha
ha-ha-ha-ha

kalagin ang timbang na kadena
lambatin ang mga mapang-api
lambatin ang mga mapagsamantala
tahakin natin ang pakikibaka

ito'y di isang kapalaran
ito'y sistemang pinairal
ng iilang mapagsamantalang
nakaupo sa kapangyarihan

sulong mangingisda, sumulong mangingisda
palawakin ang lambat ng pagkakaisa
ayumahin ang lakas ng pakikibaka
na sa iyo'y magpapalaya

ha-ha-ha-ha
ha-ha-ha-ha
ha-ha-ha-ha-ha
ha-ha-ha-ha

ngayon ang panahon ng paglaban
sa kanayunan hanggang kalunsuran
itaguyod ang diwang militante at palaban
tahakin ang pulang landas ng kalayaan

sulong mangingisda, sumulong mangingisda
palawakin ang lambat ng pagkakaisa
ayumahin ang lakas ng pakikibaka
na sa iyo'y magpapalaya

sulong mangingisda, sumulong mangingisda
palawakin ang lambat ng pagkakaisa
ayumahin ang lakas ng pakikibaka
na sa iyo'y magpapalaya
ayumahin ang lakas ng pakikibaka
na sa iyo'y magpapalaya

ha-ha-ha-ha
ha-ha-ha-ha
ha-ha-ha-ha-ha
ha-ha-ha-ha




 

LAOT NG PAKIKIBAKA


inagaw ang lupa at kabundukan
pangisda ay dinambong ng iilang
mga gahamang lokal at dayuhan
mga mapang-api

pinanday ka ng karanasan
sa madawag na laot
laban sa mga salot
bundok, burol at mga tala
giya sa pakikibaka

sa kanayunan iyong masdan
nagliliyab ang digmaan
sa lunsod dumadagundong ang lakas
ang lakas ng sambayanan

magkaisa, maghanda, kumilos ngayon na
yan pa ang bisig mong natatangi
sa kilusang magsasaka at manggagawa
sa atin ay magpapalaya

sa kanayunan iyong masdan
nagliliyab ang digmaan
sa lunsod dumadagundong ang lakas
ang lakas ng sambayanan

magbalikwas at tayo'y lumaban
prinsipyo at gatilyo ang tanganan
matatag sigaw ay kalayaan
gapiin ang kaaway ng bayan

sa kanayunan iyong masdan
nagliliyab ang digmaan
sa lunsod dumadagundong ang lakas
ang lakas ng sambayanan

mangingisda, malaki ang papel sa digmang bayan
at pag-uugnayin mga pulo at larangan
handa ang bisig sa paglambat
at pagkubkob sa kaaway ng bayan

mangingisda, malaki ang papel sa digmang bayan
pag-uugnayin mga pulo at larangan
handa ang bisig sa paglambat at pagkubkob sa kalunsuran




 

MAGBANGON MANGINGISDA


magbangon, mangingisda
maghanda sa paglaot
lambat, sagwan at bangka

katawan, bisig at diwa sa lamig ng karagatan
at sa init ng araw
mangingisda sa dibdib mo'y walang puwang ang takot
sa gubat ng malawak na laot

prinsipyo mo'y ikapit
nang di mapapatid
matatag sa hampas ng alon

may daluyong at unos sa buhay mo
hwag kang bibitiw
angkinin ang yamang sa iyo'y ipinagkait

ginagawang iyong kabuhayan
pangisdaan ng mayaman
sinikil ang karapatan
nakahandusay sa batuhan

mangingisda sa dibdib mo'y walang puwang ang takot
sumandig sa kapwang binubusabos
lakas ng mamamayan ang siyang hahambalos
sa lipunang bulok ay dudurog

may daluyong at unos sa buhay mo
hwag kang bibitiw
angkinin ang yamang sa iyo'y ipinagkait

ginagawang iyong kabuhayan
pangisdaan ng mayaman
sinikil ang karapatan
nakahandusay sa batuhan

mangingisda, magbalikwas
harapin ang unos
isulong ang pambansang demokrasya
at sosyalismo ay malubos
at sosyalismo ay malubos



 

PARANGAL


sa iyong makakapal na palad
mababakas ang kahirapang dinanas sa buhay
na higit na nagpahigpit sa pagtangan
sa laki ng paninindigan

sa iyong pangangatawan
makikita ang maskulong pinagpandayan
ng aserong bakal na kawangis mo
sa pagharap sa hamon ng buhay

sa iyong mukha maisasalarawan
makauring pakikibaka
laban sa panginoong mangangamkam
dayuhan at berdugong estado

at sa iyong mga kataga makikita
ang katiyakan ng tagumpay

kasama bayani ka ng sambayanan
uri mo'y pinanday ng kilusan
dudurog sa pader ng kaapihan

kaya proletaryong diwa
sa iyo'y nananalaytay
na magtitiyak sa ganap na tagumpay

instrumental (gitara)

sa iyong paglaban muling naipamalas
kamping at lakas ng kababaihan
dakilang asawa’t ina para sa sambayanan
iyong itinaguyod ang taong karapatan
punyal na humubog sa kasaysayan
naglantad sa bangis ng estado sa kanilang mamamayan
sa iyong mapagkalingang palad kinanlong
biktima ng berdugong militar
na higit na nagpahigpit sa aming antipasistang paglaban
sa iyong mga kataga taglay ang sigaw ng katarungan

kasama bayani ka ng sambayanan
uri mo'y pinanday ng kilusan
dudurog sa pader ng kaapihan
kaya proletaryong diwa
sa iyo'y nananalatay
na magtitiyak sa ganap na tagumpay

sa iyong pagpanaw aming natatanaw
libong mamamayan ang mapupukaw
nakahanda sa pagbubuwis ng buhay
nang kalayaan ay makamtan

kasama bayani ka ng sambayanan
uri mo'y pinanday ng kilusan
dudurog sa pader ng kaapihan
kaya proletaryong diwa
sa iyo'y nananalatay
na magtitiyak sa ganap na tagumpay

kasama bayani ka ng sambayanan
uri mo'y pinanday ng kilusan
dudurog sa pader ng kaapihan
kaya proletaryong diwa
sa iyo'y nananalatay
na magtitiyak sa ganap na tagumpay

kasama bayani ka ng sambayanan
uri mo'y pinanday ng kilusan
dudurog sa pader ng kaapihan
kaya proletaryong diwa
sa iyo'y nananalatay
na magtitiyak sa ganap na tagumpay














No comments:

Post a Comment