Kasalaukuyang inaayos pa ang blog na ito.

Sunday, February 28, 2016

ALAB NG DIGMANG BAYAN 1

1. Panawagan
2. Awit ng Rebolusyonaryo
3. Babaeng Walang Kibo
4. Awit sa Kasal
5. Hukbong Bayan
6. Ang Gabay
7. Sigaw ng Bayan
8. Alab ng Digmang Bayan
9. Paglingkuran ang Sambayanan
10. Karaniwang Tao
11. Dapat Pag-aralan
12. Martsa ng BHB
13. Martsa ng Kababaihan
14. Martsa ng Bayan
15. Internasyunal
16. Tayo Ngayo'y Naglalakbay


 

PANAWAGAN


Sa gitna ng tungayaw ng kaaway
at ng daing ng buong bayan
laging may bagong binhi ng pagtutol
ang sisilang sa ating hanay
walang kamatayan

Kabuktutan ang ngayon ay naghahari
masang anakpawis ay dinuduhagi
subalit bukas ay dagling mapapawi
salot na dulot ng kaaway na imbi

mamamayan dinggin yaring panawagan
magpakatapang at mangahas lumaban
mamamayan dinggin yaring panawagan
mangagsisulong at kamtin ang tagumpay

hahawiin ng unos ng himagsikan
ang mapanglaw na ulap sa kalangitan
lilipas din ang nakalambong na karimlan
sisikat ang araw sa kinabukasan

mamamayan dinggin yaring panawagan
magpakatapang at mangahas lumaban
mamamayan dinggin yaring panawagan
mangagsisulong at kamtin ang tagumpay

atin ang tagumpay  




AWIT NG REBOLUSYONARYO


bukid, bundok, pagawaan at parang
batis ng ating kabuhayan
hahayaan bang makamkam
laya't kasaganaan

ang dangal ng bayang Pilipinas
ninais igupo ng dahas
manggagawa ay magbalikwas
tutulan mo ang paghamak

ang lahat ay magkaisang hanay
isa man ay walang hihiwalay
hadlangan ang mga gahaman
mapaniil na dayuhan

bawat isa ay tibayan ang loob
bakahin ang pambubusabos
mga papet na manghuhuthot
galamay ng mananakop

INSTRUMENTAL

ang damdamin nami'y nagliliyab
buklurin sa iisang hangad
umalpas na nang buong dahas
sukdang dugo ay dumanak

Partido Komunista ang gabay
bisig ang Bagong Hukbong Bayan
ang lakas ay ang mamamayan
sa paglaya ng bayan

itaas ang bandilang pula
nang lumaya ang bayan
itaas ang bandilang pula
nang lumaya ang bayan
 




BABAENG WALANG KIBO


O bayan kong laging nagtitiis
nagmimithi ng paglaya sa ibang bansa
lumuluha

O babaeng walang kibo
magnilay ka at mag-isip
malaon ka nang inaapi
at malaon ka nang nilulupig

bakit hindi ka magtanggol
may anak kang nagugutom
bunso mo ay umiiyak
natitiis mo sa hirap
ano't di ka magbalikwas
kung ina kang may damdamin at paglingap

labanan nating lubusan imperyalistang gahaman
malaon nang lumulupig sa tanang kababaihan
alipin nang ganap tayo
alipin pati laya
na malaong pinag-usig demokrasya ng paglaya
upang ating mapadali ang labanan ng mga uri
tibayan ang mga puso
alisin ang pagkakimi

o babaeng anakpawis
buong giting makilaban
mangahas kang makibaka
mangahas kang magtagumpay
o babaeng manggagawa, babaeng magsasaka
magkaisa at ipaglaban ang pambansang demokrasya
 




AWIT SA KASAL


uh-uh-uh-uh
Ang pag-iisang dibdib
ay pagpanday sa pag-ibig (sa pag-ibig)
ito ay wagas na pangakong mag-alay
ng panahon at buhay
alang-alang sa iyo, minamahal

ito'y may kasunduan
sa iniirog na bayan
pag-aalay sa kanya
ng panahon at buhay

hu-hu-hu-hu
ang pag-iisang dibdib
ay pagpanday sa pag-ibig (sa pag-ibig)
ito ay wagas na pangakong mag-alay
ng panahon at buhay
alang-alang sa iyo, minamahal

ito'y may kasunduan
sa iniirog na bayan
pag-aalay sa kanya
ng panahon at buhay

ito'y may kasunduan
sa iniirog na bayan
pag-aalay sa kanya
ng panahon at buhay
 





HUKBONG BAYAN


hukbong bayan, ang adhika ay tagumpay
makakamtan, pagkat mayroong kamulatan
buo ang isip at puso
mababaka ang libong punglo

katapangan, kakambal ng kamulatan
sa gabay ng ating partido
ang lakas ng masang muog

rebolusyon maisusulong hindi mabibigo
pagkat ang masa'y tiyak na kikilos
kung may hukbo

nagsimula tayo sa iilan
ang ilan ay libo-libo na
katugon ng tapang ay tapang din
ang mulat ay kamulatan pa
isip sa isip at puso sa puso
paano tayo mabibigo
at kapit-kapit bisig susulong parang alon
pagkakaisa, muog na di magigiba

nagsimula tayo sa iilan
ang ilan ay libo-libo na
katugon ng tapang ay tapang din
ang mulat ay kamulatan pa
isip sa isip at puso sa puso
paano tayo mabibigo
at kapit-kapit bisig susulong parang alon
na siyang gigiba sa kutang imperyalista
 




ANG GABAY


Tumatagos sa diwa ang iyong pagsikat
Nagsisilbing gabay ang iyong liwanag
Sa balat ng lupa, ang ningning mong sinag
Katumbas ay ginto sa aming mahihirap

Kung sa aming buhay ay di ka dumating
Di namin malilikha mga gintong awitin
Binulag man kami ng mga ganid at sakim
Ang mga sinag mo ang tunay na nagpaluningning

Instrumental

Tulad mo ay butil na hinasik sa bukid
Tumubo't namulaklak sa aming anakpawis
Ang lambong ng gabi, iyong pinapalis
Na nagpapalaya sa isipang napiit

Pag-asa kang tunay sa pagbubukang liwayway
Na sa amin ay gintong sumilay
Anong tamis pala, ang sa lupa mabuhay
Kung sa pagpapakasakit ay may tagumpay

Instrumental

Pag-asa kang tunay Partido Komunista
Na sa amin ay magpapalaya
Anong tamis pala ang mamuhay sa lupa
Kung sa pagpapakasakit tayo'y lalaya
 




SIGAW NG BAYAN


Kamalayan ng buong bayan ay umaangat
Sa paglahok sa pambansang tagisan
Mamamayan ay tumatatag
At ngayon ay pagpapasya
Sa paghubog ng ating bukas
Maging alipin ay hindi ninasa
Pananakop ay bigyan ng wakas
Sigaw ng bayan ay himagsakan
Sigaw ng bayan ay himagsakan
Sigaw ng bayan ay himagsakan
Sigaw ng bayan ay himagsakan

Kamalayan ng buong bayan ay umaangat
Sa paglahok sa pambansang tagisan
Mamamayan ay tumatatag
At ngayon ay ang pagpapasya
Sa paghubog ng ating bukas
Maging alipin ay hindi ninasa
Pananakop ay bigyan ng wakas
Sigaw ng bayan ay himagsakan
Sigaw ng bayan ay himagsakan
Sigaw ng bayan ay himagsakan
Sigaw ng bayan ay himagsakan
 



 

ALAB NG DIGMANG BAYAN


Katagal-tagal kasama sinabi mong paghihintay
Di ba maa'ring piliting mapadali ang tagumpay
Nakababagot isiping taon pa ang itatagal
Mahirap at masakit ang maglunsad ng digmaan

Ang bayan tulad sa atin, katangia'y malapyudal
At di tuwirang kolonya ng dayuhang sumasakal
Matagalan ang digmaan ang prinsipyong gumagabay
Sa kanayunan ang simula, pagkubkob sa kalunsuran

Rebolusyon ay hindi dapat itulad sa isang piging
O kaya ay sa paglilok, pagburda o pagdrowing
Rebolusyon ay pagbangon ng uring inaalipin
Marahas, di mahinhin, malumanay o malambing

Ngayon gagap ko na ang nais mong sabihin
Masigla't buong tatag, hirap ay haharapin
Hindi ko man masilayan ang araw ng ating tagumpay
Buong buhay ay iaalay sa alab ng digmang bayan

instrumental

Ngayon gagap ko na ang nais mong sabihin
Masigla't buong tatag, hirap ay haharapin
Hindi ko man masilayan ang araw ng ating tagumpay
Buong buhay ay iaalay sa alab ng digmang bayan









 



 

PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN


Ang pakikibaka'y pagpapakasakit
ang kamatayan ay pangkaraniwan
nagkakaiba lamang ng kahulugan
kung sino ang pinakikipaglaban

ang mamatay para sa imperyalismong Kano
singgaan ng balahibo ang katimbang
ang mamatay nang para sa bayan
bigat ng Sierra Madre ang kabuluhan

maglingkod nang tapat sa sambayanan
ito ang ating pananagutan
magsimula sa kapakanan ng mamamayan
lagi silang paglingkuran

ang kalaba'y alisan ng makapangyarihan
tayo ay magkaisa't lumaban
huwag matakot sa kahirapan
hanggang makamtan ang kalayaan

ang kalaba'y alisan ng makapangyarihan
tayo ay magkaisa't lumaban
huwag matakot sa kahirapan
hanggang makamtan ang kalayaan
 



 

KARANIWANG TAO


Karaniwang tao ang nagiging kawal
mga magsasaka na karet ang tangan
mga manggagawa na walang sandata
kundi ang bisig lamang

mga taong api, mga taong dukha
mga kulang palad at mga kawawa
kawaning maliit, estudyante at
walang hanapbuhay

kayong walang yamang sukat ipagtanggol
walang pag-aari ni silungang bubong
magbuklod, kumilos, humandang masawi
sa pagsasanggalang sa sariling bayan

ang natipong lakas naging kabuuan
nang datiha'y wala
mandin ay nanggaling
sa kailaliman ng matabang lupa
at dagling nag-angkin ng kaluluwa't buhay
na kahanga-hanga

matuling kakalat na tulad ng baha
ang bagong hukbong bayan ang papagitna
sa paglaban sa pyudalismo
ipagwawagi kabi-kabila
isang rebolusyon
kasabay ng dahas ng pakikidigma





 

DAPAT PAG-ARALAN


Dapat pag-aralan ang digmang bayan
sa partikular at sa kabuuan
ng sinumang kalahok sa digmaan
inilulunsad ng bagong hukbong bayan

alamin ang kaaway at sarili
nang walang pangambang magapi
estratehiya isa laban sampu
taktika sampu laban csa isa

sa paglangoy sa laot ng digmaan
sa mga alon wag magpalutang-lutang
tiyaking makarating sa dalampasigan
na tantyado ang bawat hakbang

kung mabilis, mapapagod ka rin
adbenturismo
kung mabagal, maiiwan ka rin
konserbatismo
tantyahin nang husto ang bawat kilos mo
tiyakin ang tagumpay nito

pag-aralan nang mahusay ang bawat gawain
tagumpay tiyak na kakamtin

kung mabilis, mapapagod ka rin
adbenturismo
kung mabagal, maiiwan ka rin
konserbatismo
tantyahin nang husto ang bawat kilos mo
tiyakin ang tagumpay nito

pag-aralan nang mahusay ang bawat gawain
tagumpay tiyak na kakamtin





 

MARTSA NG BAGONG HUKBONG BAYAN


mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan
sandata ng himagsikan
handang lumaban magpakailanman
pagkat mulat sa prinsipyong
kanyang ipinaglalaban

mag-aral ng Marxismo-Leninismo-Maoismo
iwaksi ang bagahe paandarin ang makina
mag-aral, maglagom, magpunahan at magtuwid
magkaisa, maging handa
masigasig at masigla

ang simulain ay huwag tigilan
hanggang sa ganap na tagumpay
ang pawis at dugo na iniaalay
maluningning na kinabukasan ang kapantay

sa gitna ng kahirapan at kagipitan
'wag kalilimutan ang mga tagumpay
na nakamtan ng kilusan
laban sa mga gahaman
mga tagumpay ng kilusan
sa buong daigdigan
 



 


 

MARTSA NG KABABAIHAN


Ang buhay ay laging nakalaan
sambayana'y laging paglingkuran

kababaihan gumising ka
lumaban at magkaisa
buong tapang at giting
humarap ka sa unos ng pakikibaka
itaguyod ang himagsikan
sa ilalim ng bandilang pula
iwaksi ang maling kaisipan
wakasan ang kahirapan

ang tatag sa pakikipaglaban
panahon na upang iyong patunayan
ang buhay ay laging nakalaan
sambayana'y handang paglingkuran

kababaihan, tumindig ka
magbangon at makiisa
sa hanay ng nakikibakang
manggagawa at magsasaka
kilalanin ang tunay na kalaban
mga buhong at taksil sa bayan
may araw ding mangingibabaw
ang tagumpay ng kasaysayan

ang tatag sa pakikipaglaban
panahon na upang iyong patunayan
ang buhay ay laging nakalaan
sambayana'y handang paglingkuran

kababaihan, tumindig ka
magbangon at makiisa
sa hanay ng nakikibakang
manggagawa at magsasaka
kilalanin ang tunay na kalaban
mga buhong at taksil sa bayan
may araw ding mangingibabaw
ang tagumpay ng kasaysayan
 




 

MARTSA NG BAYAN


Capo: 5th fret

Intro: Am – E – Am – E7

Am             & nbsp; E             &nb sp; Am
Manggagawa at magsasaka
G             &n bsp;                 C
Kabataan at propesyunal
E             &nb sp;          Am
Mga alagad ng simbahan
F             &nb sp;            E
Negosyante at pinunong makabayan.

Am             & nbsp;       E       Am
Tayo na at magkapit-bisig
G             &n bsp;              C
Tapusin ang daang-taong pananahimik
E             &nb sp;             & nbsp;  Am
Panahon na upang ang ating tinig
F             &nb sp; E
Ay marinig sa buong daigdig.

Am           E             &nb sp;   Am
Tayo na at magsama-sama
G             &n bsp;     C
Sa pagdurog sa imperyalista
E             &nb sp;     Am
Tayo na at magkaisa
F             &nb sp;            E
Lansagin ang pasistang diktadura!

F         G             &n bsp;          C
Nasa atin ang tunay na lakas
Dm       Am     E         Am
Tiyak nasa atin ang bukas.

Am             & nbsp;  E            Am
Manggagawa at magsasaka
G             &n bsp;            C
Kabataan at propesyunal
E             &nb sp;        Am
Mga alagad ng simbahan
F             &nb sp;          E
Negosyante at pinunong makabayan.

Am           E             Am
Tayo na at magkapit-bisig
G             &n bsp;        C
Tapusin ang daang-taong pananahimik
E             &nb sp;      Am
Panahon na upang ang ating tinig
F             &nb sp;      E
Ay marinig sa buong daigdig.

Am            E             Am
Tayo na at magsama-sama
G             &n bsp;       C
Sa pagdurog sa imperyalista
E             &nb sp; Am
Tayo na at magkaisa
F             &nb sp;             E
Lansagin ang pasistang diktadura!

F          G             &n bsp;       C
Nasa atin ang tunay na lakas
Dm      Am    E     Am
Tiyak nasa atin ang bukas.


F         G         C
Tayo na at magkaisa
Dm       Am            E              Am
Isulong ang pambansang demokrasya!





 

INTERNASYUNAL



Pasakalye: E-Am-C-G-D-G-D7

         G             &n bsp; G7              C-Em-Am
1 Bangon sa pagkakabusabos
         D        D7             G     D7
Bangon alipin ng gutom
     G      G7             & nbsp;              ; C-Em-Am
Katarunga’y bulkang sasabog
            D            D7     G
Sa huling paghuhukom

             &nbs p;  D       A             &n bsp;   D
2 Gapos ng kahapo’y lagutin
             &nbs p;  A             &n bsp;            F#
Tayong api ay magbalikwas
A-D        D7              G-Em
Tayo ngayo’y inaalipin
             &nbs p;  D   A7      D-D7
Subalit atin ang bukas

Koro:
             &nbs p; G     G7       C-Em-Am
Ito’y huling paglalaban
             D             D7       G D7
Magkaisa nang masaklaw
       G       D      Em
Ng Internasyunal
         A         A7    D D7
Ang sangkatauhan
             &nbs p; G    G7        C-Em-Am
Ito’y huling paglalaban
              D            D7      B7
Magkaisa nang masaklaw
       E             &nb sp; Am
Ng Internasyunal
C        G        D     G -D7
Ang sangkatauhan.

         G      G7         & nbsp;     C- Em-Am
3 Wala tayong maaasahang
      D     D7             G D7
Bathala o manunubos
     G              G7             & nbsp; C-Em-Am
Kaya’t ang ating kaligtasa’y
          D        D7    G
Nasa ating pagkilos

             &nbs p;   D              A       &n bsp;         D
4 Manggagawa bawiin ang yaman
         A             &n bsp;   F#
Kaisipa’y palayain
A - D           D7             G - Em
Ang maso ay ating hawakan
             D         A7      D - D7
Kinabukasa’y pandayin.

Koro:
             &nbs p; G     G7       C-Em-Am
Ito’y huling paglalaban
             D             D7       G D7
Magkaisa nang masaklaw
       G       D      Em
Ng Internasyunal
         A         A7    D D7
Ang sangkatauhan
             &nbs p; G    G7        C-Em-Am
Ito’y huling paglalaban
              D            D7      B7
Magkaisa nang masaklaw
       E             &nb sp; Am
Ng Internasyunal
C        G        D     G -D7
Ang sangkatauhan.










 


















 





TAYO NGAYO'Y NAGLALAKBAY


Tayo ngayo'y naglalakbay sa lagablab ng digmaan
Paglaya ay makakamit sa paraan ng paglaban
Sakripisyo't kamatayan, isang salik sa tagumpay
Kailanga'y mapulang bukas sa bayang nakahandusay
Sa bayang nakahandusay 
 
Tayo ngayo'y naglalakbay sa lagablab ng digmaan
Paglaya ay makakamit sa paraan ng paglaban
Sakripisyo't kamatayan, isang salik sa tagumpay
Kailanga'y mapulang bukas sa bayang nakahandusay
Sa bayang nakahandusay 
 
Teorya ay mahalaga, pinanday mula sa praktika
Mahusay na kaalaman patungo sa mga larangan
Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong
Hindi lang sa Pilipinas, ito'y gabay pangkabuuan
 
Pagpuna ay laging nasa mabuti at maling gawa
At ito ay moog at sandata sa ating pakikibaka
Ang Bagong Hukbong Bayan at ang Partido ay nakalaan
Sa pagpuna sa kahinaan, pagwawasto sa maling daan

Tayo ngayo'y naglalakbay sa lagablab ng digmaan
Paglaya ay makakamit sa paraan ng paglaban
Sakripisyo't kamatayan, isang salik sa tagumpay
Kailanga'y mapulang bukas sa bayang nakahandusay
 
Halina't taluntunin matagalang digmang bayan
Upang hindi na malihis, dapat laging tatandaan
Saligang prinsipyo, magsisilbing tanglaw
Tiyak ang ating patutunguhan sa landas ng pagtatagumpay
 
Mamamayan ang mapagpasya, gumising at magbangon na
Pandayin makauring sandata, kapit-bisig at magkaisa
Dambuhalang lakas ng bayan, dadaluyong kahit saan
Sinusulong ang digmaan sa pambansang kalayaan
 
Tayo ngayo'y naglalakbay sa lagablab ng digmaan
Paglaya ay makakamit sa paraan ng paglaban
Sakripisyo't kamatayan, isang salik sa tagumpay
Kailanga'y mapulang bukas sa bayang nakahandusay
 
Kailanga'y mapulang bukas sa bayang nakahandusay


 


















 






No comments:

Post a Comment